"Sorry ah, hahaha!" Hindi ko na mapigilan ang tawa ko dahil sa itsura niya.

"Ang bigat mo naman!"

"Ang sama mo naman!"

"Totoo naman!"

"Oh, eh bakit mo pa ko tinakbo kung nabibigatan ka?"

"Sinasakal mo 'ko eh, baka patayin mo na 'ko kapag hindi pa 'ko tumakbo."

"Mapapatay agad?!" Tanong ko habang tinatabingi pa ang ulo.

"Para akong nagbuhat ng dalawang sakong bigas."

"Anong sabi mo?" Tsaka ko siya inambahan.

Nagulat naman ako nung hatakin niya ako ulit sa may mga gamit. May gamit kasi na nakatambak do'n.

"Nasa'n na sila, Kenji?" Boses ni Eiya.

"Ang bilis naman nila." Tinig ni Kenji, sumilip ako.

Parehas silang nakapamewang, lumilingon sa paligid, naghahanap.

"Ang tanga mo kasi!"

"Ikaw kaya, ang bagal mo!"

"Hanapin na natin dali!" Tsaka sila tumakbo pabalik.

Lumabas kami sa tinataguan namin tsaka kami sabay natawa. Nag appear pa kami.

"Hahaha, galing!" Sabi ko.

"Bakit ka ba nila hinahabol?"

"Kita mo 'to?" Turo ko sa pasa at sugat ko. "Tanong kasi sila ng tanong, tamad akong sumagot."

"Psh, para lang do'n, pinatakbo mo 'ko!" Nagaakusang sabi niya.

"Hayaan mo na lang 'yon, tara sa canteen."

"Aano tayo do'n?"

"Kakain, libre mo 'ko!" Taas noong sabi ko.

"Ako? Ililibre ka? No way!"

"Damot mo! Dali na kasi!"

"Sige, sige tara!" Tsaka niya 'ko hinila.

"YES!"

Lumingon pa muna kami sa paligid, mahirap na baka nandito pa sila.

Wow, wanted lang ang peg?

"Teka nga, hintayin mo 'ko dito, cr lang ako." Paalam ni Vance, nasa may bench kami malapit lang sa cr. Tumango siya.

Umupo ako sa bench, nakakangawit kayang tumayo. Malinis ang paligid, nagkalat lang naman ang mga fanget, biro lang.

Kokonti lang ang nasa labas, bilang na bilang ko. Mukhang nagkaklase pa ang iba. Hindi pa naman nag ring ang bell.

Naalala ko na na naman ang pinag awayan nung dalawa. Bakit gano'n na lang siya kung magalit? Bakit—

"Aray!" Sigaw ko nung may humila ng buhok ko.

Tiningnan ko kung sino 'yon... kung sino ang MGA yon.

Grupo ni Queen Bobowyowg.

Sina porpol, clown 1,2,3, tapos may mga kasama pang apat na mga lalaki— hindi naman sila gwapo, hindi rin pangit, sakto lang.

Shikainah...

Oo kasama rin nila si Shikainah, nakamake up na rin gaya nung make up nila Queen Bobowyowg. Nakaipit na rin. Nahawa na yata.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora