Lumapit si Eiya tsaka si Kenji, kinuha ni Eiya ang hanger na hawak niya tsaka dahan-dahan na lumapit sa'min.
Para naman akong anak nila na naglaro sa putikan nung nahuli ay tsaka tumakbo para makaiwas sa palo.
Hahaha.
Mukhang nainis na si Vance sa kakalikot ko sa likod niya kaya tumayo siya. Sakto namang lumapit si Eiya kaya hindi ko na alam kung sa'n ako magtatago.
Aha!
Nung humakbang si Vance tsaka ako...
"HUK—"
Sumakay ako sa likod niya, pumasan gano'n.
"Takbo Vance dali!" Sabi ko.
"N-nasasakal a-a-ako!" Reklamo ni Vance na pilit inaalis ang kamay ko sa leeg niya.
"Ayahaaay! Dre takbo ayan na sina Zycheia!" Sabat ni Xavier na wagas kung makatawa.
"Isha..." Paghahakbang ni Eiya, napalunok naman ako.
Takbo na Vance, sasakalin talaga kita.
"Dalawa!" Pagbibilang ni Kenji, gusto kong sapuin ang noo ko dahil do'n.
Hinampas siya ni Eiya. "Gaga, anong dalawa?" Nanlalaking butas ng ilong na tanong niya kay Kenji, hinarap pa kay Kenji ang hawak niyang hanger.
"Ang sabi mo isa, sabi ko naman dalawa, magbibilang tayo, mahal." Sagot naman netong batang singkit.
"Ulowl! Isha yon! I-SHA!" Pagdidiin naman ni Eiya.
"Akala ko kasi nakabrace ka kaya medyo bulol ka hehehe."
"Abay—!"
"Mahal naman..."
"Anong mahal? Mahal ang bigas, bwisit ka!"
"Ma—!"
"Hanna!"
"Machiete! Alululu!"
"Isha!" Baling ni Eiya sa'kin.
Akala ko ligtas na 'ko. Buhay pa ba 'tong sinasakyan ko? Hindi naman siguro siya naghihingalo.
"Takbo, Vance!"
"A-ang h-higpit..." Parang hinahabol ang paghingang ani Vance.
Bahagya kong niluwagan ang pagkakasakal ko sa leeg niya.
"Sorry, dali na, takbo!" Sabi ko.
"Bwah!" Pamimigla ni Kenji, kaya ayon napatakbo si Vance palabas. Hinawakan niya ang mga binti ko para siguro hindi na siya mahirapan.
Hanggang sa labas dinig ko ang tawa ng iba, isama mo pa ang halakhak ni Xavier.
"Ayan na!" Sabi ko tsaka tumawa.
"Sa'n tayo pupunta niyan?" Tanong niya habang tumatakbo, halos madapa pa kami dahil yata sa bigat ko.
"Doon!" Turo ko sa likod ng main building. Pwede kami do'n.
Kung bakit namin tinatakbuhan sina Eiya ay dahil ayokong sagutin ang tanong nila, basta ayoko lang, ayaw ng sarili ko... ng isipan ko. Takot din ako sa hanger na hawak niya, ang hapdi kaya no'n sa balat.
Hindi ko namalayan na nasa likod na pala kami ng main building. Nagtago kami do'n. Mukhang hindi kami nasundan dahil sa bilis netong tumakbo, kahit pa nabibigatan.
Bumaba ako sa likod niya, inayos ko ang uniform ko, nakakatuwa, hahaha.
"Woooh! Nakakapagod!" Reklamo ni Vance, nakayuko, ang isang kamay niya ay nasa tuhod, ang isa naman ay pinangpupunas ng pawis sa noo.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 27
Start from the beginning
