"Huwag mo nga akong titigan." Sabi ng kaharap ko kaya nabalik ako sa reyalidad.
"Ang kapal mo!"
"Sabihin mong hindi."
"Hindi."
"You said no, pero halos matunaw na 'ko sa titig mo."
"Woi, makabintang ka naman d'yan." Inambahan ko siya ng kaltok pero naawa naman ako sa hitsura niya, kung dadagdagan ko pa baka macoma na 'to.
"Ah..." Aniya ng pilitin niyang dampian ang kabilang braso niya.
"Ako na kasi!" Sabi ko sabay hadlot sa panyo, halos pati siya matangay na.
"Bakit mo ba ginagawa 'to, I can handle it. "
"Handle, handle! Ulok mo! Halos hindi ka na nga makagalaw d'yan tapos kaya mo?" Panenermon ko, ang sira tumawa lang.
Gumaan naman ang pakiramdam ko, atleast kahit simpleng biro lang napatawa ko siya no. Kahit puno siya ng sugat, nakakatawa pa rin siya. Trip ko lang magpatawa bakit ba!
"Ano bang pinag awayan niyo?" Tanong ko, dahan-dahan kong dinampian ang braso niya.
Ngayon ko lang talaga napansin na nakasando lang siya, nasando yung isa, tapos nakasando rin siya, so sando gang lang ang peg gano'n?
Wow may muscles. Hindi ko alam pero namangha ako, nilapit ko ang mukha ko sa braso niya, makinis ang balat niya, maputi pa.
"A-aray!" Daing niya ng pindot pindotin ko ang mga muscles niya, amazing.
"Ay, sorry." Sabi ko tsaka na tinapos ang ginagawa.
Binalik ko na rin ang mga gamit sa kit tsaka nilagay sa table. Bahala na sila kung sinong magliligpit no'n.
"Bakit ba kayo nag away?" Tanong ko, umiwas siya ng tingin. Mukhang mali ang nagtanong ko.
"I'm not in the position to tell you." Mapait na sabi niya.
"Pa'no ka niyan?" Tanong ko, tinuro ko pa siya.
"Anong pa'no ako?"
"Teka nga! Bakit wala pa tayong teacher, anong oras na oh?" Tanong ko sa lahat.
"Vacant natin, walang teacher nasa meeting." Alexis answered.
Kaya pala kanina ko pa hinihintay mag ring ang bell pero wala akong narinig. Mga 30 minutes ng bakante ang oras namin.
"Pa'no ka papasok niyan sa next subject ng gan'yan ang hitsura mo?" Nakangiwing baling ko kay Aiden.
"Wala akong extrang damit pampalit."
"Oo nga naman, pero mukha kang basahan sa suot mo bes!"
"Psh."
"Pa'no ka nga ba niyan?"
"Ewan." Nagkibit balikat siya. "Uuwi na lang siguro ako." Hirap na sabi niya.
"Walang maghahatid sa'yo?" Tanong ko.
"Wala, hindi ko kailangan." Sagot niya."
"Maglalakad ka?"
"Ewan ko."
"Puro ka ewan ko! Sapakin kita, mas malakas sa ginawa ni Kayden sayo kanina."
"I can take care of my self, you don't have to worry."
Worry? Hindi nag woworry loko!
"Ihahatid kita." Prisinta ko.
"Wow, Yakie ha." Manghang sabat ni Xavier.
"Manahimik ka!" Sabi ko sa kaniya.
"Ang sweet naman ni Yakie." Sabat naman ni Kenji. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Kung ihahatid mo 'ko..." Nag isip pa ang kulapo. "Anong sasakyan na'tin?" Tanong niya.
Ngumiwi naman ako, ano ngang sasakyan namin? Ayan siraulo ka Heira, wala kang kotse gaga! Maglalakad na lang siya pauwi tapos sabayan ko lang siya, mahirap na baka mahimatay na lang bigla sa daan.
"May bike ako." Pagmamayabang ko.
"Sa'n mo naman ako isasakay do'n?"
"Sa basket!" Sabi ko.
"Kung kasya ako, why not?" Sarcastic na sabi niya.
"Oh, kaya sa gulong!"
"Psh!"
"Sa manibela na lang kaya?" Tanong ko. Tumawa naman ang mga kasama namin.
Buti na lang at wala na ang mga chismosang kapit-bahay, umalis na. Solve na yata sila sa action at comedy na napanood nila kanina. Pero naiinis talaga ako, ang dami nila pero hindi umawat.
Ano bang pinag awayan niyo? Alam kong wala ako sa posisyon para tanungin 'yan. Pero nakakapagtaka lang na parang sa nakaraan pa 'yon, hindi ba sila makaget over do'n?
At ikaw kulapo....
Takot ba sila sayo?
&.&
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 26
Start from the beginning
