"Ay, sorry, sorry hehehe." Nag peace sign ako.

Tinignan ko ang mga kasama namin, nakatingin lang sila, parang mangha pa sila, parang ngayon lang nakakita ng taong binugbog na ginagamot.

"Kayo!" Turo ko sa mga kulapo, kilala niyo na sila. Ang hirap kayang sabihin ng mga pangalan nila. "Bakit hindi ko sila inawat!" Panenermon ko.

"Baka kami pa masapak ni Kayden, wag na lang!" Sagot ni Xavier na nginangatngat pa ang mga kuko... sa kamay.

"Ang dami niyo d'yan, tapos takot kayo?" Sarcastic na tanonv ko.

"Oo nga no..." Tumatango pang sabi ni Mavi.

"Tanga mo kasi Van!" Gitil ni Xavier kay Vance.

"Gago! Mas tanga ka, hindi ka nag isip!" Sagot naman ni Vance, nag ambahan pa sila.

Hinagis ko sa kanila ang bote ng agua oxinada sa kanila. Mukhang pati sila magrarambolan dito eh.

Kinuha ko ang alcohol tsaka nilagyan ang bulak. Nagulat naman ako ng mahulog si Aiden sa kinauupuan niya.

"Masakit yan!" Sabi niya.

"Yang mga sugat mo ba hindi masakit?" Tunog sarcastic na sabi ko. Tinulungan ko siya ulit umupo sa bangko.

Kinuha ko ang bulak na may alcohol, akmang idadampi sa mukha niya ng tabigin niya 'yon.

"Masakit nga kasi 'yan!"

"Ipapalunok ko 'tong alcohol na 'to sa'yo!" Banta ko, dinampot ko pa ang bote ng alcohol pang props.

Kumuha ulit ako ng bulak tsaka nilagyan ng alcohol, sinayang kasi yung kanina. Dahan dahan kong inilalapit sa mukha niya 'yon.

Kahit hindi na halata, mukhang kabadong kabado siya. Napapalunok pa.

"Hindi naman ako mamamatay tao! Hindi naman kutsilyo tong hawak ko!" Inis na sabi ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko at pabigla kong nadampi ang bulak sa may sugat niya sa malapit sa mata.

Napaigtad siya. Muntik na nga ulit mahulog eh. Pinapaypay ang kamay niya sa mukha niya.

"Arrrgh!" Sigaw niya.

"O.A mo naman!"

"Fuck! It hurts!" Madiin na sabi niya.

Napasobra yata ang pagkakadiin ng bulak kanina. Siya kasi eh, nainis tuloy ako. Naiiyak na yata siya sa hapdi. Loka ka kasi Heira.

"Sorry..." Sabi ko tsaka tumayo.

Naghanap ako ng bimpo pero wala. Nakakita ako ng panyo, bahala na kung kanino 'yon. Nakakita rin ang ng tumbler na may tubig. Kinuha ko 'yon tsaka tumakbo palabas para basain 'yon. Papakitan ko na lang hehehe.

Nilapitan ko ulit si Aiden na nakangiwi pa rin. Kinuha ko ang mga braso niya, akmang idadampi ang panyo pero inagaw niya sa 'kin yon.

"Kaya ko..." Aniya tsaka hirap na hirap na idinampi sa balat niya.

"Sige sabi mo eh."

Pinanood ko siyang magpunas. Halos wala ng space ang mukha niya para sa panibagong sugat at pasa. Putok ang kilay. Ano bang klaseng kamao ang mero'n si Kayden at nagkagan'to 'to? Kamaong bakal? Bato?

Alam ko namang nilabanan niya si Kayden hanggang sa kaya niya pero mukhang mas malakas sa kaniya si Kayden. Halos dalis nga lang ang nakuha nung kulapo na 'yon.

Hindi na siya naawa kanina, hinang hina na 'tong kalaban niya, sige pa rin siya sa pagsuntok, ayaw tigilan. Ano bang pinag awayan nila at umabot sa gan'to?

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora