"Kotong pa more. Ayahaaay!"
"Tapusin niyo na ang away niyo." Mahinahong sabi ni Heira, tsaka binitawan si Kayden.
"Bullshit!" Gitil ni Kayden tsaka lumabas ng pinto.
*CLAP! CLAP! CLAP!*
*CLAP! CLAP! CLAP!*
*CLAP! CLAP! CLAP!*
*CLAP! CLAP! CLAP!*
Nagpalakpakan sila pero hindi na ako nakisali, ngayon na lang ulit nagkagulo sa mga miyembro ng Dark 13, tapos may sumali pa. Tsk.
———————————————
HEIRA'S POV
*CLAP! CLAP! CLAP!*
*CLAP! CLAP! CLAP!*
*CLAP! CLAP! CLAP!*
*CLAP! CLAP! CLAP!*
Mga siraulong 'to, pagkatapos lumabas nung kulapo, nagpalakpakan ba naman. Isama mo na sina Eiya, tapos yung mga nasa labas pa.
"Ayahaaay! May nakakotong na, napawalk out pa." Sabi ni Xavier.
"Ang galing mo, Yakie!" Sabi naman ni Mavi.
"Ikaw lang nakagawa no'n sa kaniya, dai!" Sabi naman ni Vance.
"Pakotong nga, Yakie." Singit naman ni Kenji, nakaamba na ang kotong niya sa 'kin pero inunahan ko siya.
Naiinis ako! Nabubwisit ako! Nakakaumay ang mukha nung kulapo na 'yon! Parang hindi niya kaibigan ang binugbog niya.
Nilapitan ko si Aiden na mukhang zombie na ang mukha, mukhang lantang gulay naman ang katawan dahil sa panghihina. Nakahandusay na sa sahig.
Tinapik ko ang pisngi niya, "Aiden..." pero hindi siya sumagot. Tinapik ko ulit "Hoy..." pero wala pa rin. Sinampal ko na lang siya, kaya ayon napadaing.
Napalakas yata.
"Sorry..." Sabi ko at tinulungan siyang umupo.
"Masakit..."
"Vance..." Tawag ko sa punyetang Vance na tumatawa pa rin, hindi na nakamove on sa kotong ko kanina.
"Bakit?" Aniya.
"May first aid kayo?" Sabi ko pero hindi ko siya nilingon.
"Oo..." Pero hindi siya gumalaw.
"Linshak! Kunin mo!"
"Xav, kunin mo daw."
"Oh, eh bakit ako?" Sagot ni Xavier.
"Mav, ikaw na lang."
"Ayoko nga." Tangi ni Mavi.
"Lu—"
"Kapag hindi niyo kinuha, isa-isa ko kayong kokotongan!" Banta ko kaya ayon dali-dali nilang kinuha ang kit.
May takot naman pala sila.
"Oh." Abot ni Vance.
Binuksan ko 'yon, kinuha ko ang bulak tsaka binigyan ng betadine. Pinahid ko yon sa mga sugat ni Aiden. Ngumiwi naman siya.
"Masakit?" Tanong ko, tumango naman siya. "Oh, eh sira! Dapat nilabanan mo yon!" Paninisi ko.
"Hindi mo naman kailangang gawin 'to..." Tinabig niya ang kamay ko pero parang kalabit lang yon, gaga rin 'to eh, wala na ngang lakas, nagpipilit pa rin.
"Dapat inupakan mo!" Nag action pa 'ko na parang nanununtok.
"Arrrrgh!" Sigaw niya ng aksidente kong natamaan ang mukha niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 26
Start from the beginning
