"Isha!" Aniya tsaka hinila ako palapit sa kanila.
"T-teka nga!" Sabi ko dahil halos humiwalay na ang braso ko sa katawan ko.
Makahila wagas!
"Alam kong ikaw lang ang makakatulong sa 'min!" Aniya, hindi ko naman alam para saan at kanino ang tulong ko.
Hindi muna ako sumagot, nakakahilo ang ginagawa niya, naglalakad siya harap ko, pabalik balik habang nakapamewang pa.
Sinong tutulungan? Hindi naman ako good samaritan.
Hinga ng malalim Heira, inhale exhale, feeling ko pati ako naisstress sa kanila!
Kakatapos ko nga lang sa away with the four boys tapos eto na na naman!
"Wait nga lang kasi!" Sabi ko tsaka hinila pabalik ang braso ko. Nakakangawit.
Oo, hawak niya ang braso ko habang naglalakad siya ng pabalik balik kaya pati ako nahihilo sa ginagawa niya.
Bakit hindi muna kasi bitawan!
"Isha, dali na, pumasok na tayo!"
"Bakit ba kayo nagkakaganyan?" Inis na tanong ko. Si Alzhane wala, nasa'n na 'yun?
"H-heira k-kasi sa..." Utal at parang kinakabahang sabi ni Trina, hindi na alam ang sasabihin.
"Bakit umiiyak 'yan?" Turo ko kay Hanna. "At ikaw..." Baling ko sa siraulong Kenji. "Mukha kang tanga d'yan, tigilan mo 'yan!" Suway ko sa kaniya, nag f-flying kick kasi tapos sumusuntok sa ere na animo'y may kalaban.
Ang sira nagmake face lang sa 'kin, yung bang nyeh nyeh nyeh gano'n, pero atleast tumigil na siya sa ginagawa niya kanina.
Mukhang galing sa mental.
"Tara nga kasi para malaman mo na lang!" Sigaw ni Eiya mukhang inis na inis na, napapasabunot na sa buhok niya. Problemado yata.
Naglakad siya papalayo, wala kaming nagawa kundi ang sumunod na lang sa kaniya.
Malayo pa lang nakikita ko na ang mga chismosa... este yung mga estudyante na nagkukulumpulan sa harap ng room. Mukhang may pinapanood dahil may nakasilip sa bintana. Pero walang nakasilip sa may pinto.
Humakbang pa kami, pero bago ako makapasok sa pinto ay may lumipad ng gamit sa labas. Pinapalayas na ba kami?
Naririnig ko ang sigawan sa loob, may kumakalampag pa.
"Kay Kayden ang pusta ko."
"Kay Aiden ako."
"Sapakin mo Kayden!"
"Sa panga mo tirahin!"
"Kay Kayden, isang libo!"
"Aiden for 500!"
King'na puntahan? Kayden? Aiden? Panga? Tira? Pera?
Pumasok ako sa loob, hindi na pinansin ang mga kasunod ko. At ayun tumambad sa akin ang isang sabong.
Hindi sabong ng mga manok kundi sabong ng mga tao. Si Kayden at Aiden nagbabangasan. Nagsusuntukan at nag iilagan.
"Masyado kang pakealamero!" Gitil ni Kayden, nagtitiim ang bagang, kuyom ang kamao, at malamlam ang itsura, putok na ang labi at may pasa sa bandang kaliwang mata.
"Masyado kang mayabang!" Sagot naman netong Aiden. Halos hindi ko na mamukhaan.
Napahawak ako sa bibig, halos mabura na ang itsura ni Aiden. Ang dalawang mata ay nagsasara na, nangingitim, at halos hindi na makakita. Ang labi ay puno ng pasa at dugo. Namumula ang tenga, pati kamao niya.
"Anong nangyayari dito!" Sigaw ko pero walang pumansin sa akin.
Ignore pa more.
Sumugod si Kayden kay Aiden. Naiwasan nito ang nagbabdyang sapak ni Kayden, kumaliwa ito at akmang sisikmuraan si Kayden ng makaiwas ito at sinuntok si Aiden sa tagiliran.
Nakita kung paano ngumiwi si Aiden dahil do'n, napalakas yata. Sakit no'n!
Nakahawak siya sa tagiliran niya.
"Apektado ka rin naman sa nakaraan! Pero kung magalit sa 'kin wagas!" Sigaw niya.
"Putangina bakit mo ba hinahalungkat 'yon?" Galit na sigaw ni Kayden.
"Hindi ko hinalungkat! AYAW MO LANG TALAGANG MAININ NA APEKTADO KA PA RIN SA NAKARAAN, HINDI MO PA RIN MAKALIMUTAN!"
"Bakit mo ba pinakekealaman ang buhay ng may buhay?!" Gigil na sabi nito!
"Dahil pati iba dinadamay mo sa tanginang nakaraan na 'yan!" Bulalas ni Aiden.
Nakaraan? Anong meron sa nakaraan?
Past Heira wag kang tanga!
Ay.
Sa isang iglap nakita ko na lang si Kayden na nakapaibabaw kay Aiden na walang habas na pinagsusuntok.
King ina hindi na naawa.
"King'na tigilan mo 'yan!" Sigaw ko pero hindi niya 'ko pinansin.
Hindi NILA ako pinansin.
Sigawan pa rin sila ng sigawan. Nagpustahan pa ang mga shunga imbis na umawat.
"Awatin niyo sila!" Pero parang wala lang ang presensya ko sa kanila.
Sa nakikita ko ngayon, gigil na gigil si Kayden sa kaaway niya.
"Baka mapatay niya yan ano ba!" Gusto kong lumapit pero hindi ko magawa. Baka ako ang sapakin niya, mahirap na. Napapasigaw na lang ako ng...
"...Putangina awatin niyo na sila!"
5.
"...Woi tigilan mo na yan!"
4.
"...Hindi ka na naawa, halos lumuwa na ang mata niyan!"
3.
"... Bwisit kang Aiden ka, labanan mo na lang!"
2.
"...Ayaw niyo talagang tumigil?" Nagtiim na ang bagang ko, ayaw niyo kong pakinggan ha.
1.
Naiinis na ako sa ginagawa nila. Ang mga nasa labas naman ay parang nanonood lang ng live boxing. Enjoy na enjoy sa panonood.
"TIGILAN NIYO YAN!" Diin kong sabi tsaka pinulot ang isang bangko walang pakundangang binuhat ko 'yon tsaka ihinagis ko sa gawi nila.
Napatili ang iba, nagulat naman lahat sila at tumingin sakin.
&.&
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 25
Start from the beginning
