Dahan-dahan silang lunapit sa 'kin. Bumaba ako sa bike ko. Alangan do'n na lang ako, do'n ako lalaban gano'n?
"Wala ka ng takas dalaga..." Sabi nung isa.
"Pa'no kung meron?"
"Yun ay kung meron nga."
Lumapit sila sa 'kin, akmang susuntukin ako nung isa pero naiwasan ko 'yon, ginantihan ko siya ng sipa sa tyan.
Sumugod silang lahat. Tinignan ko kung sino ang pinakamalapit, yon ang binigyan ko ng flying kick. Akmang titisurin ako nung isa pero nakatalon ako kasunod ng pagbibigay ko ng sipa sa paa.
Tulog!
Tatlo na lang.
"May warning lang na binibigay ang amo namin."
"Pake ko sa warning niyo!"
"Malaki yata ang atraso mo sa amo namin."
"Hindi ka pa sure d'yan?"
"Nakakarindi ka na!" Sigaw nung isa.
"Sino ba yang punyetang amo niyo at bakit ako nagkaatraso sa kaniya?" Inis na tanong ko.
"Kilala mo, binabalaan ka lang niya na ibabalik niya sayo ang mga ginawa mo sa kaniya."
"Oh, talaga?" Tanong ko.
Sumugod silang tatlo.
Lugi ako dong!
Sinalubong ko ang braso ng isa ng mga kamay ko. Imbis na masasapak niya ko, napigilan ko ang kamay niya, hawak ko ang palapulsuan niya at padarag na tinulak siya.
Tumba!
"Abay malakas ka nga talaga."
"May ibubuga ka talaga, dalaga."
Lumapit sila, napapagod na ako kaya hindi ko na napansin ang paglapat ng palad ng isa sa mukha ko. Ang hapdi!
Kalalaking tao nananampal.
Nakakapagtaka lang na pagkatapos akong sampalin ay tumigil sila.
"Unang babala lamang iyan, ang sabi ay huwag kang masyadong saktan ngayon, kaya pupwede na iyang isang sampal."
"Bakla ka ba?" Walang emosyong tanong ko.
"Hindi."
"Eh, bakit ka nananampal?"
"Huwag ka ng magtanong, hintayin mo na lang ang pagbabalik namin para sa ikalawang babala, mas malala pa d'yan ang aabutin mo kapag nagkataon."
Kinabahan ako sa sinabi niya. P-pangalawa? May kasunod pa? Ayoko na ng gulo... pangako ko sa sarili ko pero bakit heto na naman tayo?
Hindi ko pinakita ang kaba at takot ko sa sinabi niya. "Okay, see you when I see you." Sagot ko tsaka ngumisi.
Hindi ko na sila hinintay na magsalita, agad kong kinuha ang bike ko tsaka nagpedal papalayo.
Sino ba yang amo niyo?!
Naramdaman ko ang hapdi ng pisngi ko, mukhang may sugat din ang labi ko.
Nakarating ako ng parking lot, nilock ko na lang ang bike ko tsaka kinuha ang gamit ko at naglakad papuntang main gate.
Hindi pa ako nakakalapit, pero tanaw ko na sina Eiya sa labas ng gate, mukhang balisa at hindi mapakali. Hawak pa ang cellphone na pinupukpok sa palad niya.
Lumapit ako sa kanila, do'n ko lang nakita na umiiyak pala si Hanna, inaalo siya ni Trina, si Kenji naman ay mukhang tangang sumisipa sa ere.
"Eiya..." Bungad ko. Tinignan niya 'ko at nakita ko ang takot at kaba sa mga mata niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 25
Start from the beginning
