BREEEEAAAAAK!

Napapreno ako ng madiin, medyo umangat pa nga ang bandang likuran ng bike ko dahil sa biglang pagpreno ko.

May humarang na lang kasi bigla sa dinadaanan ko. Sa mismong harap ko, as in! Pinigilan pa ang manibela ng bike ko. Ayaw bitawan, hindi tuloy ako makaalis.

"Hi miss." Anang isang malaking lalaki.

Apat sila medyo malaki ang katawan, may tattoos sa braso, mukhang mas matanda sila sa 'kin. Napatingin ako sa jacket nila, pare-pareho kasi sila, may nakaburdang D na kulay red sa bandang dibdib nito.

"Pasensya na, may klase pa 'ko." Sabi ko. Pero mas diniinan niya ang hawak sa manibela ko.

"Maaga pa, dalaga." Sabi nung isa.

"Baka malate na HO ako." Pagdidiin ko.

"Wala naman kaming pakealam sa klase mo." Gitil naman nung isa.

"Wala rin akong pakealam sa inyo." Nakangising bulalas ko.

"Ang kinis mo naman..." Akmang hahawakan nung isa ang paa ko pero pumadyak agad ako.

Bastos!

"Nanghihilod kasi ako, kayo ba?" Bored kong tanong.

"Abay siraulo ka ah?!"

"Ano bang kailangan niyo?"

"Ikaw."

"Aanhin niyo naman ako?"

"May ipapadalang regalo ang boss namin, mukhang hindi mo magugustuhan."

"Hindi ko kilala ang boss niyo, at wala akong balak kilalanin siya, aalis na 'ko."

"Nagmamadali ka naman yata?" Nakangising sabi nung isa, nakacross arms pa.

"Takot ka ba?" Tanong nung isa pa.

Mukha kayong kulang sa tulog mga pre.

"May klase pa nga ako!"

Binitawan niya ang manibela ko, pero nagulat ako nung bigla niyang dakmain ang panga ko.

"Masarap gasgasan ang mukha mo dahil makinis." Sabi niya.

"Lumayo ka, ang baho ng hininga mo, amoy tabako!" Gitil ko, pilit na inaalis ang kamay niya.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa panga ko, gigil na gigil, ngisi-ngisi naman ang mga kasama niya.

Humanap ako ng pwedeng lusutan para pantakas sa kaniya, king ina kailangan ko ng umalis!

Mabilis kong kinuha ang bag ko at hinampas sa baba niya, yung baba, basta.

May mga notebooks at libro sa bag ko kaya medyo mabigat. Napilipit siya sa sakit kaya nabitawan niya ko. Nagmadali akong paandarin ang bike ko at umalis.

"Inutil!"

"King'na tanga!"

"Habulin niyo bobo!"

Nakita ko silang sumakay ng motor at sinusundan ako. Binilisan 'ko ang pagpadyak, sumasakit na ang mga binti ko. Liko dito, liko doon, halos may masagi na 'ko kakamadali ko.

Ano bang kailangan niyo...?

Napasok ko ang isang iskinita, isang masukal na iskinita. Sinusundan pa rin nila ako. Kaso kung mamalasin ka nga naman, hindi pa ko nakakalayo, sarado na ang daan. May mataas na harang na makakapal na alambre.

Wala akong magawa kundi ang bumalik na lang sa dinaanan ko kanina. Hindi pa ko nakakapadyak ng isa, nakita ko na silang nakaabang.

Bumaba sila at pinalibutan ako. Hinanda ko na ang sarili ko, mukhang bangasan na na naman 'to.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon