"Chicken adobo na lang!" Sabat naman ni Hanna.

Lumingon ako sa paligid, nahagip ng mata ko si Kayden. Nagkatitigan kami, walang bumitaw, sinamaan ko siya ng tingin, ngumisi naman siya. Ang kasunod na nangyari.

"Ang dami niyong gustong kai—" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng tuloy-tuloy akong gumulong pababa ng hagdan.

-END OF FLASHBACK-

"Wala ng masakit sa'yo?"

"Mommy... wala na po, okay na po ako pero..." Huminga ako ng malalim, kaya mo yan Heira! "...pwede po bang sa lunes na lang ako ulit pumasok?"

"Bakit?"

"Kasi po byernes na bukas, alanganin na po..." Ayoko pong makita sila!

"Yung totoo..." Pabitin niya tsaka siya sumeryoso, "...dahil ba sa mga schoolmates mong bully?"

"Mommy..."

"Kung gusto mo ay ipapalipat na kita ng section."

"Hindi na po, kaya ko namang iwasan..." Tumingin ako sa bintana, "...kaya ko naman pong iwasan ang gulo."

"Mabuti at alam mo ang tama, kung binubully ka nila, ipaalam mo na lang sa mga teachers mo, sa guidance, o kaya sa akin."

"Mommy, nung iniwan ko ang Sta. Luiciana, iniwan ko na rin ang away, ayoko na ng gulo, kaya 'wag na po kayong mag-alala." Nginitian ko siya na nagsasabing 'okay na ang lahat, wala ng dapat pang ipag-alaa'.

"Pero kung sobra na talaga, sige papayagan na kita..."

Yesssss! Pinapayagan na ba—

"...Bungangaan mo sila, titigil ang mga yon, walang kaya ang iba kapag gumana na ang bibig mo." Biro niya.

"Mommy naman!"

Sumeryoso naman ulit siya. "Kung kaya mong iwasan, iwasan mo na lang, ayoko na kasing may nakikitang pasa sa mukha mo, galos sa braso mo at sugat sa mga binti mo, anak..." Sabi niya tsaka hinaplos ang pisngi ko.

Kaya kong iwasan, pero sobra sila kung makalapit.

Hindi ako nakasagot. "...sige na, kumain kana pagkatapos ay uminom ka na ng gamot mo."

Tumayo siya tsaka lumabas ng kwarto. Sinilip ko muna si mommy kung nakalabas na ba siya. Okay clear!

Kinuha ko ang mga pagkain sa side table, ang bango ng amoy, kinuha ko ang kutsara at akmang susubo ng biglang nag beep ang cellphone ko.

Istorbo! Epal! Impakto! Walang hiya! Hindi na nahiya sa pagkain ko!

Pero kinuha ko pa rin 'yon tsaka tinignan. Unknown number.

From: 0912*******

'Hilo poh lazada poh i2!'

Message Received: 11:34 A.M

Wala naman akong inorder ah?!

To: 0912*******

'Sorry. Wala akong inorder na kahit ano.'

Message Sent: 11:36 A.M

From: 0912*******

'Aq po ang inorder mo miss.'

Message Sent: 11:38 A.M

Siraulo ba 'to? O sabog?

To: 0912*******

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now