Jaxon Lincoln Mendez...
———————————————
HEIRA'S POV
Tatlong araw...
Tatlong araw na ang lumipas magmula nung ako'y iyong nilisan ako'y nasasak— Eeeeiiikkkk. Erase. Nakalog na yata ang utak ko.
Tatlong araw na ang nakalipas nagmula nung nahulog ako sa hagdan. Tatlong araw na rin akong hindi pumapasok. Tatlong araw na hindi lumalabas ng kwarto.
May lagnat kasi ako, napilayan yata ako nung gumulong ako pababa ng hagdan. Masakit rin ang katawan ko.
Ayokong lumabas ng kwarto, baka kapag lumabas ako sa 1000 steps na 'ko magpagulong-gulong, may maigi ng sigurado, ang sakit kaya no'n sa katawan.
Baka kapag lumabas ako, mag free ice tubig na nanaman ang sumalubong sa mukha ko, baka
Ang sarap kaya nung nakahiga ka lang sa kama mo tapos hahatiran ka na lang ng pagkain, hindi sasakit ang ulo mo sa mga babasahin, sasakit ang ulo mo dahil sa pagkakaumpog sa mga bato.
Wala naman daw nangyaring masama, wala namang fracture, wala ring internal bleeding, walang nangyaring masama sa matigas kong bungo. AS IN WALA.
Tumama lang daw ang ulo ko sa isang bato eh sakto raw sa may maliit na ugat kaya daw agad na nagdugo yon, magaspang din daw ang semento kaya nagkasugat at galos ako.
Malamang semento yon eh!
Eh pa'no ba naman kasi, yung building lang yata namin ang mabato ang daraanan, mataas ang hagdan mga seven steps, oo mataas na 'yon!
Kumpara sa iba na sementado ang dinaraanan, walang damo, walang maliit na bato, walang kulapo, walang impakto— ay mali, sabi na eh, nakalog na talaga ako.
Bumukas ang pinto ng kwarto ko, pumasok si mommy na may dalang tray ng pagkain. Tatlong plato ng pagkain.
Pasyente lang muna ako ngayon!
Lumapit siya tsaka inilapag sa side table ang tray. Umupo siya sa tabi ko.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya tsaka inayos ang kumot ko na tyan ko lang ang natatakpan, medyo nakaupo kasi ako, nakasandal ako sa headboard ng kama ko.
"Opo, okay na po ako..." Sagot ko.
"Ano bang nangyari at humantong ka sa gan'yan?"
Ano nga bang nangyari? Isip, isip, isip!
Ohh shoooot! Ayon!
-FLASHBACK-
Nagring ang bell, nag ayos lang ako saglit ng gamit.
"Tara na?" Aya ko sa kanila.
"Lezzgo!" Buong galak na sabi ni Kenji, mukhang gutom na.
Naglakad kami palabas
"Heira anong oorderin mo?" Tanong ni Alzhane.
"Pasta na lang siguro." Tsaka ako nagkibit balikat.
"Pizza na lang kasi para isahan na lang!" Suhestyon ni Eiya.
"Kayong bahala."
"Cookies and cake na lang!" Kenji said.
"Wala ka pa sa main dish, dessert na agad ang iniisip mo!" Ani Trina.
"Pwede naman 'yon ah!"
VOCÊ ESTÁ LENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Ficção AdolescentePitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 24
Começar do início
