Sigaw nila, alam kong pababa na sila, at papunta sila sa 'kin, tatayo na sana ako ng may maramdaman akong likido na tumutulo sa ulo kasabay no'n ang pagdilim ng paligid.
"Heira!"
———————————————
ZYCHEIA'S POV
"Isha!" I shouted, ang bilis ng mga pangyayari, nag uusap lang kami tapos ngayon nakahandusay na siya sa lupa.
Sakto lang naman naming nalagpasan ang mga grupo nina Kayden, kasunod no'n gan'to na ang nangyari. Dali-dali kaming bumaba ng hagdan tsaka namin nilapitan si Heira.
"Heira..." Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan, natatakot ako baka kung ano pang mangyari sa kaniya kapag hinawakan siya.
"Putcha, dalhin na natin siya sa clinic!" Nag aalalang sabi ni Trina.
"Kenji, tulungan mo 'ko dito, buhatin na 'tin." Umiiyak na pakiusap ko kay Kenji.
"Hala, ano bang nangyari?" Tanong ni Hanna.
"Mamaya na kayo magtanong, humingi kayo ng tulong!" Hindi ko na mapigilan ang pagsigaw ko.
Sino bang hindi matatako? Ang kaibigan mo, duguan ang ulo, may mga sugat sa katawan at malala pa, wala pang malay. King'na sinong gumawa neto?!
Tumingin ako sa paligid, nakatulala lang sila sa 'min, walang gustong lumapit, walang gustong tumulong. Putcha naman, makisama kayo kahit ngayon lang!
"Lucas!" Tawag ko kay Lucas na parang nag aalala na nakatayo lang sa tabi. Alam kong siya lang ang makakatulong sa 'min para madala namin agad si Isha sa clinic.
Lumapit siya agad sa 'min. "Oh, sh't, idala na natin siya sa clinic." Aniya saka binuhat si Heira.
"King'na kung sino mang siraulong gumawa neto, makonsensya ka naman!" Sigaw ko sa kawalan.
Inalalayan ko ang walang malay na si Heira habang binubuhat siya niya Lucas, hindi tumitigil ang luha ko dahil sa kaba at takot.
"Tabe!" Sigaw ko sa mga nakaharang sa daraanan. Dinig ko pa ang bulungan ng mga lintek!
"Anyare do'n?"
"Hala, may dugo!"
"Nakaawa naman siya."
"Walang malay.."
"Baka pakana na nanaman ng mga nasa 23rd Section."
"King'na padaan!" Sigaw ko, nagmamadali kami tapos inuna pa ang bulungan nila.
Nakarating kami sa clinic, sinalubong agad kami nina Nurse Alice saka Doc. Chet.
"Anong nangyari?" Tanong ni Nurse Alice.
"B-bigla na lang po s-siyang gumulong pababa ng hagdan." Hindi mapakaling sagot ko.
"Ihiga mo siya dito." Sabi ni Doc Chet.
"May sugat ang ulo niya Doc. Chet." Ani Nurse Alice, napailing na lang si Doc. Chet.
"Lumabas muna kayo, kami na ang bahala dito." Utos niya, sumunod naman kami ni Lucas.
Lumabas kami ni Lucas sa clinic, nakaupo ang mga kasama namin sa mga upuan na nasa harap lang ng clinic.
"Okay na ba si Yakie?" Umiiyak na sabi ni Kenji, alam kong takot din siya sa pwedeng mangyari kay Heira.
"Sino namang gumawa no'n, diyos ko!" Napapasapong noong sabi ni Trina.
"Ang bilis ng mga pangyayari." Sabat ni Alzhane.
"Salamat, Lucas." Baling ko kay Lucas na tulala pa rin.
Kumurap siya tsaka sumagot. "Walang anuman, sana lang ay agad nang gumising si Heira."
"Alam ko namang maraming galit sa kaniya pero hindi ko alam na gan'to ang kakahantungan niya." Sabi ko, nanlalambot na ang tuhod ko kaya napaupo na lang ako sa isang upuan tsaka yumuko.
"Sobra naman yata 'to, hindi na sila naawa." Sabi ni Trina.
"Sa ngayon, hintayin muna natin siyang gumising." Sabi ni Alzhane habang hinahagod ang likod ko.
"Natatakot ako para kay, Yakie!" Humagulgol na lang bigla si Kenji nang sabihin niya 'yon.
Close na close sila ni Heira, siya pa lang ang nakita kong lalaki na tinuring ni Isha na parang kaibigan at parang kapatid.
Mukhang gano'n din si Kenji sa kaniya kaya gano'n na lang din ang takot niya ng makita si Isha sa gano'ng sitwasyon.
Sina Madison at mga alipores niya lang ang alam kong kaalitan o sabihin na nating kinaiinisan si Heira, bukod kina Kayden, sila talaga ang pinaghihinalaan ko.
"Wala bang kinalaman dito sina Kayden?!" Nanggigil na tanong ko kay Lucas, mukhang nabigla pa siya.
"H-hindi ko a-alam, galing a-akong cr kanina, ang n-nakita ko na l-lang, gan'yan na si Heira, wala ng malay." Sagot niya.
"Bukod kina Madison, siya lang ang kagalitan ni Heira, wala ng iba!"
"Huminahon ka muna." Sabi ni Hanna.
"Sinong hihinahon, gan'yan ang kaibigan mo, duguan tapos hihinahon ako?" Sigaw ko.
Pikon na pikon na talaga ako sa mga estudyante dito, hindi ko alam na gan'to ang aabutin ni Heira, kung dati ay kinakatakutan siya sa Sta. Luiciana, ngayon ay hindi na.
Bumukas ang pinto ng clinic kaya napatayo kami.
"Nurse Alice, okay na po ba siya?" Tanong ko.
"Ayos na siya, wala namang nangyaring masama sa kaniya." Sagot ni Nurse Alice. "Pumasok na kayo sa loob." Sabi niya.
Pumasok kami nakita namin si Heira na mahimbing ang tulog, may bakas ng dugo ang kaliwang balikat, may bandage ang noo, mukhang doon galing ang dugo. Nalinisan na rin ang mga galos niya.
"Kung pwede ay tawagan ninyo ang mga magulang niya, kailangan niyang magpahinga pa." Tinig ni Doc Chet.
"Okay na si Yakie..." Sabi ni Kenji, nakayuko at nakalagay pa sa hospital bed ang baba niya kung saan nakahiga si Heira.
Kinuha ko ang cellphone ko tsaka idinial ang number ni Tita Helen, ang mommy ni Heira. Dalawang ring bago niya sagutin. Lumunok muna ako para hindi mabasag ang boses ko kapag sumagot na 'ko sa kaniya.
["Hello hija?"]
"Tita..."Napapiyok ako.
["Why, may problema ba?"]
"Tita, si... si Heira po..."
["What happened?!"]
&.&
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 23
Start from the beginning
