Nagdrawing na lang ako sa likod ng notebook ko. Nagpahalumbaba na rin ako. Medyo mahina ang boses ng teacher kaya rinig ko ang bulungan sa likod.

"Iniimbita tayo nina Asmodeus sa susunod na araw."

"Bakit?"

"Ewan ko, naghahamon na nanaman sila ng away."

Away?

"Natalo na sila nung huli, tapos manghahamon na nanaman sila ngayon?"

"Hindi yata nila tanggap ang pagkatalo."

"They are too weak to fight us, tsk!" Alam kong si Kayden yon dahil sa matunog na singhal niya.

"Wala silang kadala-dala."

"Sila yo'n eh, pagtatawanan ka kapag inatrasan mo sila."

"So, pupunta tayo?"

"Bakit hindi?"

"Sa masukal na lote raw ulit."

"Okay."

Ayon lang ang narinig ko dahil nagtanong na ang teacher sa iba tungkol sa sinasabi niya.

Away? Gulo? Lote? Basagan ng ulo gano'n? Pero isa ang tumatak sa 'kin, Asmodeus, sino kaya 'yon? Malamang kalaban.

Nang matapos ang unang subject, sumunod naman ang isa. Nagdiscuss lang naman ang teacher ng kaunti pagkatapos no'n ay nagbigay na siya ng seatwork, do'n na naubos ang oras niya.

Sa wakas lunch break!

"Pizza na lang ang orderin na'tin."

"Pasta na lang!"

"Cookies, mas masarap 'yon!"

"Sira, lunch tapos cookies?"

"Chicken na lang!"

"Cake na lang para masaya!"

"Beef steak na lang."

Nag-aayos pa lang kami ng gamit pero rinig ko na ang pagtatalo ng mga kasama ko. Alam kong sila 'yon kahit nakatalikod ako kasi babae ang nagsasalita, si Kenji naman maliit ang boses kaya alam ko.

"Tara na?" Aya ko sa kanila.

"Lezzgo!" Buong galak na sabi ni Kenji, mukhang gutom na.

Naglakad kami palabas

"Heira anong oorderin mo?" Tanong ni Alzhane.

"Pasta na lang siguro." Tsaka ako nagkibit balikat.

"Pizza na lang kasi para isahan na lang!" Suhestyon ni Eiya.

"Kayong bahala."

"Cookies and cake na lang!" Kenji said.

"Wala ka pa sa main dish, dessert na agad ang iniisip mo!" Ani Trina.

"Pwede naman 'yon ah!"

"Chicken adobo na lang!" Sabat naman ni Hanna.

"Ang dami niyong gustong kai—" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng tuloy-tuloy akong gumulong pababa ng hagdan.

"Heira!"

"Yakie!"

"Isha!"

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now