"Oh, 'diba, malakas ang pakiramdam ko, laging tama!"
"Oh, edi ikaw na!" Sabi ko tsaka pumasok ng room.
Malakas ang pakiramdam, baka naman pati mga espirito at mga multo nararamdaman niya.
Nagtama ang paningin namin ni Kayden, inirapan ko na lang siya dahil ang sama ng tingin niya. Kinuha ko ang mga notebooks ko tsaka ako lumapit kay Eiya.
Nakapamilog ang pwesto ng mga upuan namin. Katabi ko si Eiya sa kanan, si Kenji sa kaliwa. Bodyguards ko yata sila eh, laging nasa tabi ko.
"Patulong nga ako dito sa history, Eiya."
"Nakalimutan mo na nanaman 'no?" Sarcastic na sabi niya saka kinuha ang notebook ko.
"Oo eh hehehe." Sagot ko na lang, math ang sinasagutan ko, history ang kaniya.
"Bakit ang tahimik niyo?" Tanong ni Eiya sa apat.
Napansin ko rin 'yon, halos mangalahati na ang mga sinasagutan ko pero wala pa ring umiimik sa kanila, dati naman ay lagi silang maingay kapag sama-sama na kami.
"Anong iniisip niyo d'yan." Nakangiwing tanong ko, tulala kasi sila.
"Naisip ko lang..." Panimula ni Kenji pero nakatingin siya sa kawalan, para siyang bangag.
"Ang alin?"
"Anong pwedeng kainin mamaya?" Tanong niya tsaka seryosong tumingin sa 'kin.
Binatukan ko nga, puro kalokohan ang alam. "Puro na lang kalokohan at pagkain ang nasa utak mo!" Sabi ko, sumimangot naman siya, pinahaba niya pa ang nguso niya.
Siraulo din 'tong bata na 'to eh, napaseryoso niya kanina, malalim ang iniisip, akala ko kung ano na ang problema niya, pagkain lang pala.
"Hindi naman kalokohan ang pagkain eh!" Lumaki pa ang butas ng ilong niya nung sabihin niya 'yon.
"Oh, kayo, ano naman ang inisip niyo?" Baling ko sa mga babae.
"Trina, kanina pa nakasalpak sa tenga mo yang mga airpods mo." Sita ni Eiya, pero hindi siya pinansin. "Trina..."
Hinablot ko ang isang airpods na nakasalpak sa tenga niya tsaka ko iyon nilagay sa tenga ko.
"Bwisit ka, wala namang tugtog eh!" Sabi ko tsaka ko hinagis ang airpods niya, sinapo niya naman 'yon.
"Bawal bang ilagay sa tenga kahit walang music?" Sabi niya.
"Tinatawag ka namin pero hindi ka namamansin!" Bulalas ni Eiya.
"Trip ko lang manahimik, sayang ang laway!"
"Tinatawagan niyo siya pero hindi naman nag ring ang cellphone niya." Sabat ni Hanna.
"Tama!" Gilalas naman ni Kenji, "...you're right Hannamiloves."
"Sige, sakyan mo pa, bwisit ka!" Bulong ko sa kaniya, tinawanan lang ako ng tukmol.
"Out of coverage area, te!" Sarcastic na sabi ni Alzhane kay Hanna.
"Ah kaya pala.." Napailing na lang kami sa sinabi niya.
"Ayan, tapos na!" Pagbabalik ni Eiya sa notebook ko.
"Sana naman inayos mo ng konti ang sulat mo 'no?" Reklamo ko.
"Wag ka ng magreklamo, pwede na 'yan."
Nag ring ang bell kaya naman nagsibalikan na kami sa mga pwesto na'min. Ang aga aga, ang lumanay ng boses ng teacher kaya naman para akong dinalaw ng antok.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 23
Start from the beginning
