Sinunod ko ang kay Adriel. "Thank you, sorry din nakisama pa 'ko sa kalokohan niya." Bulong niya ng ibigay ko sa kaniya ang papel niya. Tumango lang ako.

And then yung kay Xavier naman. "Huwag ka ng magsalita, masyado kang maingay!" Pigil ko sa kaniya ng akma siyang magsasalita matapos kong sagutan ang kaniya.

"Ayahaaay! Salamat ng marami!" Hindi niya na mapigilan.

King'na sabing 'wag ng magsalita eh.

Sunod ang kay Alexis, Maurence, Asher, Timber, Aiden, Jharylle. Sabay-sabay ko na lang binalik sa kanila, nakakapagod kaya ang laging nag aabot.

Ang huli ay ang kay Lucas, ginandahan ko pa ang sulat ko, nung matapos ay nakangiti kong inabot sa kaniya ang papel niya, ako pa ang lumapit sa kaniya kahit pa abot kamay ko lang naman siya.

"Tapos na!" Sabi ko.

"Thank you." Saka niya 'ko nginitian.

Tumango ako tsaka ako bumalik sa pwesto, may sumipol pa nga pero hindi ko alam kung sino 'yon.

Umupo ako ng pabagsak, feeling ko hinarap ko ang problema ng Pilipinas, sasabog na yata ang utak ko kahit tapos na 'kong sumagot. Last na 'to! Kung hindi lang nagbanta ang bwisit na 'yon, hindi ko gagawin yon eh!

Ilang sandali lang ay pumasok ulit si Ms. Jones, kami naman ay nag iwas ng tingin, kunyari walang nangyari. Ang mga tukmol wagas ang ngiti. Pero masaya naman ako dahil natulungan ko sila kahit gano'n, alam niyo na hehe.

Sa'tin lang 'yon.

"Pass your papers." Sabi ni Ms. Jones kaya naman isa isa kaming tumayo para mag pass.

"...Masaya ako at may mga sagot na kayo." Dugtong niya habang tinitignan ang mga nasa palibot ko.

Kinakabahan ako, kapag ako nahuli ni ma'am talaga naman!

Lumabas si Ms. Jones, pumasok naman si Ms. Alejandro, english class. Ewan ko ba, laging nag iiba ang mga schedules namin kaya wala kaming ideya kung sino ang susunod na teacher ang magtuturo sa 'min.

Nakinig na lang kami sa mga sinasabi niya, minsan din ay nagtatanong siya, pero madalas ay pagpopronounce ang tinuturo niya.

"How do we pronounce this word." Maya-maya'y tanong niya. May nakasulat na 'GHOTI' sa white board.

"...Anyone?" Pero walang sumagot.

"The answer is 'fish'." Sagot niya sa tanong niya.

Ay, fish? Ang layo!

"How can "ghoti" and "fish" sound the same?" Tanong niya at nagsulat ng GHOTI at FISH sa board.

"...Gh is pronounced same as "f", just like in the word rough, prounced as raf."

"...O is can be prounced same as "I", just like in the word women, pronounced as wi-men."

"...Ti is can be prounced same as "sh", just like in the word nation, pronounced as neyshon." Pagpapaliwanag niya, sumusunod na lang kami sa kaniya.

"Therefore, f+i+sh is equal to fish." Dagdag niya pa.

Napa "ahh.." na lang kaming lahat, walang ideya sa mga sinasabi niya.

"Of course, this is a joke." Saka siya tumawa.

Wala kaming oras para sa joke ma'am!

"The word "ghoti" is not even a real word. But it shows the inconsistency of English spelling." Sabi niya.

"...It is very important to understand that English spelling and English pronunciation are not always the same."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now