"Sino bang may gulo?" Takang tanong ko.

"Marami, mga bullies."

"Ah, halata namang maraming bu— HUK!" Pagkabukas ng locker ko, tumambad sa 'kin ang napakaraming papel, nakacrumpled pa. Puno ang locker ko no'n dahil halos mapunta na 'yon sa mukha ko eh.

Pa'no nila napasok ang mga 'yon? May lock 'to, kailangan pa ng susi para mabuksan.

"Sino na namang gagong naglagay ng mga 'to?" Tanong ko sa mga tao sa paligid.

"Hala, anyare?" Tanong ni Hanna.

Kalat siguro?

"Ano 'yan?" Tanong ni Eiya.

Mga papel.

"Sinong naglagay n'yan? Effort ah!" Sabi naman ni Trina.

Pa'no ko neto lilinisin 'to.

Binuksan ko ng mas malawak ang pinto ng locker ko dahilan para magsitilapon ang iba pang mga papel.

Naagaw ng atensiyon ko ang isang blue sticky note na nasa likod ng pinto.

Enjoy cleaning!
     
                    -Alas

Sinong alas na naman? Baraha lang?

Naiinis ako pero wala akong dapat gawin kundi ang linisin ang mga papel na 'to, kapag nalaman ko talaga sino kang alas ka, ipapakain ko sayo ang mga papel na 'to isa isa.

Feeling ko nauulit na nanaman ang nagyari dati. Pangyayaring hindi maganda ang kinalabasan. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa 'kin.

"Tulungan niyo na lang akong linisin ang mga lintek na kalat na 'to!" Utos ko sa kanila.

"Oh, bakit kami? Kalat mo 'yan!" Singhal ni Trina.

"Kapag naipon ko lahat ng 'to, ipapalunok ko sayo isa-isa." Banta ko saka ngumisi.

"Sabi ko nga eh tutulong na, tara na girls!" Aya niya sa tatlo.

Kaniya-kaniya kami ng kuha ng walis, dustpan at trashbin. Linis dito linis doon, tapon dito tapon doon, ipon dito ipon doon. Ulit-ulit hanggang matapos. Shet naman oh, pati gamit ko sa loob nagulo!

Kung sino ka mang impakto ka, lintek ka!

Bumalik kami ng room, mabilis lang naming nalinis yung mga kalat sa locker ko kaya may oras pa kami para mag usap.

"KUNG SINO MANG IMPAKTO ANG NAGKALAT SA LOCKER KO, MUKHA KANG BUNOT!" Pagdidiin ko, hindi ko na alam kung paranig pa ba 'yon.

"Sinong mukhang bunot?" Tanong ni Hanna.

"NAKO WALA 'YON, BAKA LANG KASI MAY SINAPIAN NA NANAMAN TAPOS PATI LOCKER KO PINAGTRIPAN, 'DIBA?" Sarcastic na tanong ko sa mga kasama ko, mukhang hindi nila gets kaya pinanlakihan ko pa sila ng mata.

"Ah, oo, oo naman, bunot!" Sang ayon nila kahit hindi nila ako maintindihan.

Dumating ang teacher namin sa history, ang alam ko ay may quiz kami ngayon, ready naman ako hehehe.

"I mentioned to you yesterday that I will give you a quiz today..." Panimula niya, "...kindly answer this questions correctly, and strictly no CHEATING." Sabi ni Ms. Jones habang pinapakita pa ang mga test papers na hawak niya. "All the teachers have a meeting today, maiiwan muna kayo rito, inaasahan kong walang mangyayaring gulo, maaari ba 'yon?" Tanong niya.

"YES MA'AM!" Sagot namin.

Binigyan niya kami ng test paper isa-isa, doon kami sasagot. Binigyan niya kami ng one and a half hours para sumagot saka siya lumabas ng room.

Pangalan pa lang yata ang nasusulat ko, may lalaki ng lumapit at tumayo sa harapan ko. Lalaki siya, nakapants eh.

Nag angat ako ng tingin, at ayon, shoooot! Si Uno kulapo, nakacross arms pa, walang emosyong nakatingin sa 'kin. May hawak siyang mga test papers.

Teka, ang dami naman ng mga 'yun?

"Kailangan mo?" Tanong ko.

Padarag niyang iniabot sa 'king ang MGA test papers. Hindi ko naman tinanggap.

"Gagawin ko d'yan?"

"Sunugin mo."

"Okay, peram lighter." Tanong ko sa mga kaklase ko.

"Tsk, stupid!"

"Mama mo stu— ikaw stupid!" Baka maging iba kasi ang pag intindi niya kapag tinuloy ko yung una kong sasabihin.

"Sagutin mo lahat ng 'to."

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Ano kayo sinuwerte, manigas kayo d'yan, pwe!

"Dahil hindi mo gugustuhin ang kapalit kapag hindi mo ginawa..." Nakangising sabi niya.

Mukhang adik!

"Matatakot na ba 'ko?" Sarcastic na tanong ko.

"Dapat lang..."

"Eh, ano namang gagawin mo?"

Bahagya siyang humakbang papalapit sa 'kin, napaatras naman ako habang nakaupo.

"Hindi mo magugustuhan, Ms. Sylvia." Humakbang ulit siya papalapit, umatras naman ako.

"'Wag kang lalapit!" Banta ko habang nakaduro pa sa kaniya.

Nilingon ko ang mga nasa likod ko, shet wala ng upuan, nagsipagtabihan ang mga lintek, nasa side na sila halos.

"Gusto mo bang malaman ang gagawin ko kapag hindi mo sinagutan ang mga 'to?" Humakbang ulit siya, ako naman mukhang timang na umaatras

"Ayoko!"

Humakbang siya ulit. "Papaduguin ko yang mga labi mo..." Hinaplos niya ang ibabang labi niya gamit ang hinlalaki tapos isang hakbang ulit. "...Gamit ang mga labi ko." Sabi niya at humakbang na nanaman.

Nanlaki ang mga mata ko, nagtaasan ang mga balahibo ko, nakakapangilabot ang sinabi niya, jusme!

Napaliyad ako ng bigla siyang hukbang kaya pabigla akong napaatras at...


At...

"Waaaaaah!"

&.&

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant