"Sinong clown?" Tanong ni Kenji, punong puno ang bibig, tumalsik pa sa  mukha 'ko ang ibang kinakain niya.

Anak ng... Virus ka!

"Ano ba, kadiri!" Sabay punas sa mukha ko.

"Makakadiri ka naman d'yan, nagtooth brush ako uy!"

"Kelan?"

"Kahapon!"

Ngumiwi ako, ang dugyot mo naman Ji!

"Poison ang laway mo, Kenji." Sabi ni Trina.

"Malinis ang laway ko!" Depensa ni Kenji.

"Sige nga, gaano kalinis?" Nakangiwing tanong ni Alzhane.

"Sabi ko nga mananahimik na." Saka kumain na lang.

"...Sinong clown ba kasi?" Ilang segundo pa lang yata ang pananahimik niya, ayan na naman siya.

"Bwisit ka, lunukin mo muna yang nasa bibig mo bago ka magsalita, tumatalsik ang laway mo!" Reklamo ko sa kaniya.

"Oo nga, sinong clown ba?" Tanong naman ni Hanna, pagbuhulin ko kaya 'tong dalawang 'to?

"Sina Queen Bobowyowg!" Sagot ko.

"Sila na naman?!" Sigaw nilang tanong.

"Makasigaw naman kayo, pwedeng hinayaan?" Nakangiwing tanong ko.

"Ano bang ginawa mo do'n?" Tanong ni Eiya.

"Ewan ko ba sa mga 'yon, trip yata ako." Sagot ko.

"Paano ka nila binuhusan? Gan'to ba? 'YOU'RE NOTHING BUT A SECOND RATE, TRYING HARD, COPYCAT!" Pag aarte ni Trina, kunyaring sinabuyan pa 'ko ng tubig.

"Gusto mong i try ko sa 'yo?" Tanong ni Kenji sa kaniya.

"Sige." Sagot ni Trina.

Tapang!

"Talaga?" Hinawakan ni Kenji ang basong may tubig, akin yo'n eh.

"Woi, akin 'yan!" Pigil ko sa kaniya.

Hindi niya 'ko pinansin. "Ready mo na ang mukha mong masasabuyan ng kamandag ng basong hawak ko!"

"Sige, basta pagkatapos mo 'kong buhusan, ipapalunok ko ang baso sayo!" Sagot ni Trina.

Aso't pusa, amputspa!

Natapos kami sa pagkain tsaka kami naglakad pabalik ng room, kinuha ko ang bag ko at pumunta kami ng lockers para magpalit ng gamit.

"Ewan ko ba kung bakit dumami na ang gulong nangyayari dito sa loob ng campus." Sabi ni Trina habang naglalakad kami.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Dati pa kasi laging may gulo, laging may bully, laging may kung ano ano pang hindi maganda."

"Dati?"

"Oo, mula pa nung pumasok ako dito sa B.U.A."

"Mukha ngang hindi man lang narereport sa dean o kaya sa guidance office ang mga nangyayari eh." Sabat ni Alzhane.

"Bakit naman?" Tanong ni Eiya.

"Ewan ko nga eh, mukhang walang alam ang dean sa mga nangyayari, wala rin nagbalak solusyunan, ayaw madamay."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora