"Ano bang nangyari?" Inosenteng tanong ni Hanna.

"Bakit ka nga pala pinatawag sa dean's office, ate?" Tanong ni Alzhane.

"Yon na nga eh, hindi naman ako pinatawag ni dean, pinagtitripan lang ako nun!" Paliwanag ko.

"Kaya naman pala gan'yan kalawak ang ngiti mo dahil nainis mo din Kayden?" Sarcastic na sabi ni Eiya.

"Oo naman, priceless ang makitang gano'n ang itsura niya." Mayabang na sabi ko.

"Akala ko kasi dahil nginitian ka kanina ni Lucas kaya gan'yan ang ngiti mo." Biglang ani Alzhane.

"HUK—" Nabulunan ako dahil sa sinabi niya, umiinom kasi ako, yung ininom ko umakyat sa ilong ko.

"Bwahahaha!" Tawanan nila, muntik na 'kong mamatay tapos tatawanan nila ako? Wow true friends!

O.A Heira, mamatay agad?

"Masaya kayo d'yan?" Sarcastic na tanong ko. Tupang'na ang sakit ng ilong saka lalamutan ko.

"Nako, Yakie, hindi ka pwedeng mag boypren!" Singit ni Kenji.

"Bakit naman?"

"Ako muna dapat ang magiging boypren mo!" Aniya, nginiwian ko naman siya, loko-loko!

"Nandito ka pala?" Sarcastic na sabi ni Eiya.

"Hindi, wala ako, anino lang ako!" Sarcastic din na sagot ni Kenji.

"Bakit ikaw ang magiging boypren ni Ate Heira, Kenji?" Sabat ni Hanna.

Nasapo ko na lang ang noo ko tsaka ako napailing. Ang sakit makipag usap sa taong hindi marunong makisakay.

"Biro lang, Hannamiloves!" Bawi ni Kenji,

Ang loko, siya pa ang kinilig sa sinabi niya, tumaas pa ang balikat niya, yung parang kapag umiihi siya gano'n ang kilig niya.

Kinotongan ko nga siya. "Kumain ka na lang d'yan, puro ka kalokohan!"

"Aray naman..." Sabi niya habang hawak ang ulo. "Akin na lang yang burget mo!" Hindi pa ako nakaka oo, kinuha niya na ang pagkain ko tsaka agad na kinagatan 'yon.

Pigilan niyo 'ko, makokotong ko 'to, inaagawan ako ng pagkain netong bata na 'to!

"Pa'no na n'yan, Isha?" Seryosong sabi ni Eiya

"Anong pa'no?"

"Pa'no kapag hindi ka tigilan no'n?"

"Nino?"

"Psh, si Kayden malamang!"

"Hayaan ko na lang."

"Bakit?"

"Anong bakit?" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Bakit mo siya hahayaan?"

"Kapag pinatulan ko, sasabihin mo bakit ko si pinatulan, kapag naman hinayaan ko, sasabihin mo bakit ko siya hinayaan, yung totoo nakadrugs ka ba?"

"Tangek, ang ibig kong sabihin, hahayaan mo na lang siya o sabihin na nating silang gawan ka ng kung ano-ano?"

"Oo, bahala na sila, may iba pa ngang naiinis sa 'kin eh."

"Oh, bakit naman basa yung uniform mo kanina?" Sabat ni Alzhane.

"Yung clown, inabangan yata talaga ako."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon