Anong kakainggitan ko sa pagmumukha niyong ewan.
"Mali ka ng kinalaban..." Ani alipores no.3
Mama mo kinalaban.
"Oh, ano magsalita ka!" Sigaw ni alipores no.4, nanlalaki pa ang mata pati butas ng ilong. Gigil na gigil.
"Tapos na ba kayo?" Walang ganang tanong ko.
"Ofcourse not, we're not done yet!" Sigaw ni Queen Bobowyowg, parang gusto pa 'kong laklakin.
"Okay." Sabi ko na lang dahil natatawa ako sa itsura nila, baka mas lalong magalit hahahah.
Umalis na 'ko sa lugar na 'yon, mukhang trip din nila 'ko, sayang lang ang pagod ko sa kanila. Dinig ko pa ang mga sinabi nila pero 'di ko na pinansin.
"You're son of a... ano nga ba kasunod no'n?"
"B'tch, oo b'tch ang kasunod no'n"
"You're son of a b'tch!"
"Hindi pa kami tapos!"
"Oo nga!"
"Tama!"
Sabi nila, mukhang nainis sa ginawa ko.
Bumalik ako ng room, ayon na nanaman, bumalik ang inis ko, bwisit kang bata ka! Isip bata pala!
"Hala, bakit basa ka?" Bungad ni Hanna.
"Trip mo lang maligo?" Sabi naman ni Trina.
"Saan ka ba galing?" Tanong naman ni Eiya.
"Mukha kang gurang sa itsura mo, Yakie!" Kantyaw naman ni Kenji.
Kakaltukan ko kayo isa isa mamaya!
Hindi ko sila pinansin, dumeretso ako sa upuan ko pero hindi ako umupo, nakapamewang kong tinignan ng masama si Mavi. Nagpipigil pa ng tawa, ang — Eeeeikkkk! Basta!
"Bakit mo ginawa 'yon?!" Inis na tanong ko sa kaniya, patungkol ko sa pagpapatawag 'kuno' ni dean sa 'kin.
Hindi sumagot ang tukmol, kunwari naglalagay ng tsek sa hangin. Naalog na!
"UULITIN KO, BAKIT MO GINAWA 'YON?!" Pagdidiin ko.
"May nag utos lang naman sa 'kin eh." Mapakamot pa siya ng ulo.
"Sino?!"
"Wala!"
Sabi niya meron, tapos ngayon wala, tanggalan ko kaya ng ngalangala 'to?
"SINO?!"
"WALA NGA!" Pagmamatigas niya.
Mukhang ayaw niya talagang umamin kaya naman nakaisip ako ng paraan. Binuksan 'ko ang bag ko saka ko inilabas ang isang balot ng chocolates, akala ko si Mavi lang ang titingin sa 'kin, pati pala ang iba, lahat pala sila pati si Shikainah.
May magic yata 'tong chocolate na hawak ko eh.
"Bibigyan kita neto kapag sinabi mo sa 'kin ang totoo." Pang uuto ko. Nakita ko siyang napalunok pero umiwas lang siya ng tingin.
"Wala nga."
Ayaw mo ah. Kumuha ako ng isang piraso no'n tsaka kinain, dahan-dahan lang ang pagnguya ko, tinatakam siya.
Nung tignan ko ang iba, lahat sila napapalunok na. Si Mavi lang naman ang tinatakam ko hindi kayo!
"Hmmm, talaaaap!" Pang aasar ko.
"Itigil mo 'yan!" Sigaw ni Uno kulapo.
"You want?" Tanong ko kay Vance, agd namang tumango.
Binigyan ko siya ng dalawang piraso, sabay kaming kumain ng isa.
"Sarap 'no?" Tanong ko, tumango naman siya. "You want din?" Tanong ko kay Adriel, alam kong gusto niya rin kaya binigyan ko din siya ng dalawang piraso.
Tinanguan ko ang dalawa, mukhang alam naman nila ang ibig sabihin no'n. Kumain kaming tatlo ng tig isang chocolate tsaka tumingin kay Mavi na ngayon ay naiiyak na.
"Yumyumyum, chaaaraaap!" Sabay sabay naming sabi, nang iingit.
"Sasabihin ko na, tama na sasabihin ko na!" Sabi ni Mavi, naluluha na.
Bibigay din pala, bwahahaha *evil laugh*.
"Sino?" Mahinahong tanong ko, nilibot ko pa ang dila ko sa mga ngipin ko, mahirap na baka may chocolate pang nakasingit.
"Subukan mong magsabi!" Banta ni Uno.
Ulok! Bistado kana, minsan mukhang hindi rin siya nag iisip. Hays.
"Si Kayden, siya ang nag utos sa 'kin." Sabi niya saka mabilis na tumayo, pumunta sa 'kin, saka nagtago sa likod ko, mukhang natatakot kay Kayden dahil umamin siya.
Nginisian lang ako ng gago. "How was the conversation with the dean?" Sarcastic na tanong niya.
Hindi ko siya sinagot, sinamaan ko lang siya ng tingin, nakaisip ako ng pwedeng ganti, hindi na sapak, kawawa naman ang mukha niya.
Lahat sila binigyan ko ng tig tatlong chocolates, maliliit na triangle ang mga 'yon, bumili ako ng tatlong balot kaya kasya sa lahat.
Ultimong si Shikainah inalok ko dahil mukhang gusto niya rin naman, pero tinggihan niya lang ako, inirapan pa 'ko.
Ayaw mo, edi don't!
Akmang aalokin ko na si Kayden, nakapalad na eh, sakto lang dumikit sa palad niya yung chocolate ay agad ko 'yong binawi, binigay ko sa katabi niyang impakto, este si Maurence.
Nagtawanan ang lahat, pinagtawanan siya, nalukot naman ang mukha niya, kunot na kunot ang noo, salubong ang kilay, masama ang tingin sa 'kin, mukhang pinapatay na 'ko sa isip niya.
Nyeh nyeh nyeh nyeh, manigas ka!
&.&
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 20
Start from the beginning
