"Anong maipaglilikongkod ko sa iyo, Ms. Sylvia? Irereklamo mo ba ang mga estudyanteng nasa 23rd Section?" Nakangiti niyang bungad.

Nagtaka naman ako. "Pinapatawag niyo raw po ako dean." Sabi ko.

Mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko. "Wala akong inutusan para tawagin ka hija..."

Sabi na eh!

"Ah, g-gano'n po ba? Sige po, pasensya na po sa a-abala hehehe." Nag peace sign na lang ako, nakakahiya, bwisit.

"Ayos lang... ayos ka lang ba sa seksyon mo hija?" Tanong niya, himdi ko alam ang isasagot ko.

Pa'no ba...

Opo ayoko na do'n! Hindi erase! erase!

Ang pangit ng ugali ng mga nando'n, mali! erase! erase!

Ibalik niyo na po ako sa First Section, mas lalong hindi!

Pa'no ba 'ko sasagot neto? Baka akala ni dean ay nagpapakaespesyal ako dahil ako lang ang nagreklamo sa kaniya kapag nagkataon.

Bakit naman magrereklamo yung iba eh, ako lang naman ang pinagtripan nila do'n!

"Ms. Sylvia?" Tanong niya ulit kaya naman natauhan ako.

"Opo, oo... opo, a-ayos lang p-po ako... kami do'n." Naiilang na sagot ko, iniiwas ko na lang ang paningin ko.

"Mabuti naman, masaya ako sa narinig ko."

"Sige po, aalis na po ako, pasensya na po ulit sa abala." Yumuko pa 'ko saka nagmadaling umalis do'n.

Nung makalabas ako ng dean's office, huminga ako ng malalim, kinuyom ko pa ang nga kamay ko. Ang aga aga, nabubwisit ako!

Lumakad ako pabalik ng room pero gano'n na lang ang gulat ko nung may tubig na malamig na sumalubong sa 'kin.

Linshak! Feeling ko nagising diwa ko do'n ah.

Tumingin ako sa paligid, nasa tapat ako ng main building kung saan do'n kami pumapasok, nando'n kasi yung First Section.

May mga estudyanteng nakapalibot sa 'kin, tumatawa ang iba, bumubulong ang iba. Gumagawa na yata sila ng orasyon para sa pagkatay sa 'kin.

"Oops, sorry, I meant that." Maarteng bungad nung may hawak na baso.

Si Queen Bubuyog.

Malamang siya na nanaman ang nagbuhos sa 'kin ng tubig.

"Aw, kawawa ka naman, basang basa kana oh, look..." Kunyaring naawan habang nakaturo si porpol sa suot ko, yung violet lagi ang make up, siya 'yon.

"You look like basahan." Maarteng sabi naman nung isa pa.

Teka, kasama ni Queen Bobowyowg yung mga clowns este mga alipores niyang sumobra sa arte.

"Masarap bang maligo ng malamig na tubig?" Sabat naman nung isa.

Shunga, nabasa lang ako hindi ako naligo!

"Wala ka ng tagapagtanggol ngayon, pa'no na niyan?" Sabi naman nung isa.

Hindi ko nga kailangan ng tagapagtanggol eh, pwede kong paduguin ang ilong mo ngayon, abnoy!

Girl group talaga sila eh, laging pare-pareho ang style ng buhok, pati ugali pare-pareho na, maldita!

"Napipi kana ata?" Sabi ni Queen Bobowyowg.

"Baka ngayon lang talaga siya nakakita ng maganda." Sabi ni alipores no.1

"Malandi kana, tapos naiingit kapa sa ganda namin? Grabe!" O.A na sabi ni porpol.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now