Nung una akala ko tahimik talaga si Trina dahil lagi siyang nasasulok o kaya nasa upuan niya, minsan ko lang siyang nakitang kausap si Hanna, mas lalo namang hindi niya nakausap si Shikainah, galit sa world yon eh.

Laging nakaearphones. Tapos nung makilala na na 'min, nilapitan na 'min, ayon, napakalakas pala ng bunganga niya. O.A rin minsan.

Si Hanna naman, tahimik talaga dati pa, kahit pa nag iingay na kami lahat lahat, tahimik pa rin siya. Inosente at minsan ay slow siya. Yung maiinis ka na lang dahil wala siyang alam sa nangyayari sa paligid niya, gano'n!

"Alam niyo ba..." Panimula ni Trina.

"Ang alin?" Sabay-sabay na 'ming tanong.

"Next month na ang Buwan ng Wika."

"Ah..." Sabi na lang namin tsaka tumango, malamang August na next month eh.

"Oh, anong ganap no'n?" Walang ganang tanong ko, kinukutkot ko pa ang kuko ko.

"Haler, may activities no'n malamang!" Maarteng sagot niya.

"Akala ko naman walang pasok!" Sabat ni Kenji na may hawak na isang balot na cookies.

"Hoy, penge!" Akmang aagawin ko ang kinakain niya, bigla niyang nilayo 'yon.

Madamot!

"Kulang pa sa 'kin 'to!" Sabi niya.

"Mukha nga..." Sagot ko na lang saka ko siya inirapan.

"Hannamiloves, you want?" Alok ni kay Hanna.

"Ayon, kapag si Hanna mabilis 'no, ang galing." Nakangiwing reklamo ko.

"Ayoko sayo na lang 'yan, mukhang gutom ka eh..." Sagot sa kaniya ni Hanna.

"Lagi namang gutom 'yan!" Gatong ni Eiya. Pero walang pumansin sa kaniya.

"So, ayon na nga, maraming competition at activities no'n." Pagtutuloy ni Trina.

"Sasali pa ba ta—" Napatigil ako nung pumasok si Mavi, mukhang kanina pa siya dahil wala naman siyang dalang bag, nasa tapat kasi kami ng pinto kaya napansin na 'min siya agad.

"Pinapatawag ka ni Dean Lucencio, punta sa raw sa dean's office." Sabi niya, mukhang ako ang kausap dahil sa 'kin siya nakatingin.

Malamang Heira, ikaw kausap niyan, gaga!

"Bakit daw?" Tanong ko.

"Sa kaniya mo itanong hehehe."

"Anong meron?" Bulong ko sa mga kasama ko. Nagkibit balikat lang sila.

Lumabas ng room tsaka dumeretso sa dean's office.

Ano kayang kailangan ni dean? Baka ililipat niya na kami pabalik sa First Section, kapag nangyari 'yon papasalamatan ko siya ng marami.

Tapos na ang pasakit.

Pero hindi ko kung bakit ako kinakabahan, napakamot ulo pa 'ko, anong gagawin ko naman do'n?

Pumasok ako office niya, lumapit ako sa table niya, nagsusulat siya dahil may hawak siyang ballpen, mukhang may pinipirmahan.

Ang pinagtataka ko lang, bakit parang hindi niya 'ko inaahang makita niya 'ko dito, eh pinatawag niya nga ako 'diba?

Hindi kaya... lintek na!

Sandali niyang ihinto ang ginagawa niya, inilapag niya ang ballpen niya saka niya pinagkrus ang mga darili niya, pinatong niya ang mga 'to sa table niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin