Tumayo ang dalawa sa gitna, oo mismong gitna ng canned goods section na 'to, mukhang gagawing mic ang sandok.

"Mang Juan!" Panimula ni Kenji, pinakita pa ang hawak, feel na feel ang sandok. "Mang Juan para sa taong iniwan!" Pagpapatuloy niya.

"Yakult!" Bwelta naman ni Rolen. "Yakult para sa mga taong pinagpalit sa mukhang balut!" Sabi niya kaya...

"Bwahahahaha." Sabay sabay naming tawa.

"Itlog! Para sa taong pinagpalit sa walang betlog." Sabi ni Kenji.

Bastos!

"Chickpeas! Para sa taong hindi siya miss!" Bulalas naman ni Rolen.

Ay hugowt!

Mukha silang model ng mga lata, hawak hawak nila habang kumekembot ba ang mga sira.

"Kapeng mapait! Para sa taong pinagpalit sa malapit!"

Sakit!

"Mitlop! Para sa puso mong puno ng poot!"

I love your Filipino accent, mitlop!

"Palaman! Para sa mga iniwan ng walang dahilan!"

Ouch, beriberi ouch!

"Asukal! Para sa taong hindi naman talaga minahal!"

Saang lupalop niyo nakuha ang mga salitang yan?

"Chuckie! Dahil walang boypren si Yakie!" Sigaw ni Kenji, sinayawan pa ko ng tukmol.

Sinamaan ko siya ng tingin, lumapit ako sa kaniya saka ko pinitik ang noo niya, lintek! Pinagtatawanan na kami ng mga tao.

Isama ba naman daw ako sa kalokohan nila!

"Awts!" Reklamo niya, pinipisil pisil pa ang noo.

"Puro ka kalokohan!"

"Hindi naman 'yon kalokohan, wala ka naman talagang boypren!"

"Bakit nga ba mahal kita
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko? 'Di mo man ako mahal, ito pa rin ako. Nagmamahal nang tapat sa 'yo~" Pagkakanta pa ni Eiya, ginawa pang mic ang sandok kanina.

"Ipukpok ko sa inyong tatlo 'yan!" Inis na sabi ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako.

"...Happy na kayo d'yan?" Nakangiwing sabi ko ulit.

Ang mga sira, nagkanta lang ng nagkanta, hindi na nahiya, natampal ko na lang ang noo ko saka napailing.

Lalapitan ko na sana si Aling Soling, akala ko hindi pa siya tapos mamili pero nakita ko siyang nakatingin sa 'min mukhang pati siya natatawa na.

Lumipat kami sa mga chips, buti na lang at tumahimik na ang mga singer ko. Natakot nung sinabi kong "kapag hindi kayo tumigil d'yan, kayo ang magbabayad ng mga chocolates niyo!"

Bumaba na rin yung mga nakasakay kanina sa cart dahil hindi na sila kasya, okupado lahat ng space dahil sa pinamili na 'min.

Itutulak ko na sana ulit ang hawak kong cart ng mabunggo 'to o sabihin na nating binunggo, ay ewan!

"Woi..."

"Woi ka din."

"Maurence!

"Hi Heira!" Bati niya, hindi man lang muna inatras ang cart niya.

"Nice to meet you here, classmate." Sabi niya saka siya ngumisi, nang aasar amputspa.

"Pasensya na..." Iaatras ko na sana ang cart ko ng bungguin niya ulit yon. "Ano ba?!" Inis na sabi ko.

"Bakit?" Natatawang tanong niya.

"Pwedeng tumabi ka?" Sarcastic na sabi ko.

"You're on the wrong way." Nakangising aniya.

Ano 'to daan?

Nasa maling way nga ako kung titignan, nasa kaliwa ako pero kung titignan ay pabalik na ako, dapat nasa kanan ako, kaya siguro nabunggo ko ang cart niya.

"Okay." Sabi ko na lang saka inaatras ang cart ko papalayo. Nakakainis ang mukha no'n.

Nakita ko sina Eiya na nasa kabilang dulo pa dahil bumalik nga ako dahil nakalimutan kong bumili ng mga malalaking chitchirya.

Nang matapos kami sa pamimili sa supermarket ay bumalik na kami sa department store para kuhanin ang mga binili namin kanina.

Nagtake out ako ng pizza para kay mommy, saka napagdesisyunan na naming umuwi.

&.&

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang