"Kapag hindi ka bumaba d'yan, hindi kita ibibili ng chocolate mamaya!" Banta ko, aba ang sira agad na bumaba, basta talaga sa pagkain mabilis! Parehas kami.

"Okay, sabi ko nga meron, tara na nga!" Nakangiwing aya ko sa kanila.

"Yeheeeey!" Sabay sabay nilang hiyaw, pati si Rolen napahiyaw na rin. Napailing na lang ako.

"Pumili na kayo, tig iisa lang, kapag sumobra kayo ang magbabayad!" Banta ko, pero hindi nila ako sinagot.

Inalalayan ko si Rolen na bumaba sa push cart. Si Kenji ayon mulaling, dahil sa tuwa, tumalon eh biglang gumalaw yung cart, ending, HULOOOG! Nahulog siya, una mukha.

Nagtawanan naman kami dahil don, hindi lang tawa, halaklak pa. Kay Eiya ang pinakamalakas.

"B-bwahahahaha!"

"Ji, anong nahuli mo?" Tanong ko, hawak ko pa ang tyan ko.

"Pating o balyena?" Tanong naman ni Eiya.

Tumayo si Kenji na parang walang nangyari. "Nakahuli ako ng sirena!" Sagot niya saka tumakbo na sa mga chocolates.

"Hindi kaya napilayan ang batang iyon?" Napapasapong noo na sabi ni Aling Soling.

"Hindi naman po siguro, mukhang walang buto 'yon, ang likot parang bulateng inasinan." Natatawang sabi ko.

Chocolate bar ang napili ni Eiya, tatlong itlog na chocolate naman ang  hawak ni Rolen, si Kenji naman ay hawak ang isang plastic ng maliliit na Chocolates.

"Hoy, abusado ka ah!" Reklamo ko, pilit na inaagaw ang hawak niya.

"Tinawanan mo naman ako kanina, pwede na 'to!" Aniya saka tumakbo pabalik sa cart saka sumampa ulit do'n, muntik na naman siyang mahulog pero naalalayan siya ni Aling Soling.

Hindi ba napapagod 'tong tukmol na 'to? Kanina pa takbo ng takbo, hyper na hyper.

Pumunta kami sa mga canned goods at mga ready to eat food dahil bibili raw ng ganoon si Aling Soling, iiwan daw niya sa bahay nila.

Habang namimili si Aling Soling, narinig ko ang tawanan ng mga kasama namin, nilingon ko sila at ayon silang tatlo katawanan yung mga salesmen.

Hawak nung tukmol ang isang lata ng corn beef yung isa naman ay mukhang mga dilis.

"Pis, kornbep kornbep!" Pagkakanta niya, alternate pang tinataas ang mga hawak niya. "Alululu, pis! kornbep kornbep!" Pag uulit niya, pati ako matawa na dahil sa kakornihan niya.

Si Rolen naman ang bumanat, may hawak siyang baso, kutsara saka mukhang chocolate bar yon.

"Baso, kutsara beng beng beng, beng... beng, baso kutsara!" Aniya habang sumasayaw pa.

Sa'n naman galing yung mga hawak niya?

Nagpalit naman ng item na hawak si Kenji saka kumanta ulit. May hawak silang kare-kare mix saka ketchup. "Lettuce go! iskare-kare kare-kare, papa pa pa papa pa pa!" Pagkakanta niya, abnoy sa'n mo nakuha yang lettuce na yan? Bakamalamog 'yon.
"Lettuce go! iskare-kare kare-kare, papa pa pa papa pa pa!" Pag uulit niya, kinekembot po ang bewang habang nakaupo sa cart.

Akala ko babanat din si Eiya, buti na lang hindi, hindi ko na nga keri ang kalokohan ng dalawa, baka mag collapse ako kapag nakisama pa siya.

Bumaba ang dalawang bata sa cart saka tumakbo kung saan saan, pagkabalik ay may kaniya-kaniya na silang dalawa.

May sandok, Mang Juan, Chickpeas, Yakult, chuckie, Itlog, kape, meatloaf, cheese na palaman, at asukal.

Anong gagawin niyo sa mga 'yan?

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now