"Nagteleport!" Sagot ni Kenji, kinotongan ko nga. "Nakakailan kana ah!" Reklamo niya saka umiyak na.

"Bigla-bigla ka na lang kasing nawawala!" Inis na sabi ko, mukhang natakot nagtago ba naman sa likod ni Rolen, abnoy din minsan 'tong bata na 'to.

Natampal ko na lang ang noo ko, mas matangkad pa siya sa tinaguan niya.

"Osiya, tara na kung wala na kayong bibilhin." Singit ni Aling Soling.

"Tara na..." Lahat kami maliban kay Kenji ay naglakad na.

Natigilan kami dahil hindi siya sumunod sa 'min, nakatulala lang siya at tinititigan yung isang laruan, robot iyon na sakto lang ang laki. Bagsak balikat siyang tumingin sa 'min.

"Gusto mo ba 'yon?" Turo ko sa tinititigan niyang laruan kanina. Nilapitan ko siya.

Tumango siya, pero bagsak pa rin ang balikat niya. "Kaso, wala akong dalang pera, hindi rin ako bibigyan ni ate kapag nagkataon..." Aniya, namasa pa ang mga mata.

Kinuha ko yung robot saka inabot sa kaniya.

"Ako na ang magbabayad..." Sabi ko sa kaniya, hindi siya nagsalita pero nakatingin siya sa 'kin habang kumukurap kurap pa, naka pa 'o' pa ang bibig niya. "Sige na, tara na..." Aya ko sa kaniya, hinawakan ko ang kamay niya at hinila papunta sa mga kasama na 'min.

Ang kaninang bagsak ang balikat ngayon ay abot tenga ang tuwa. Isip bata pa talaga.

Kinuha na na 'min ni Eiya yung kaninag damit na gusto kong bilhin, dalawa 'yon, isa sa 'kin, isa kay Eiya, parehas kami.

Si Aling Soling naman ay binilhan ko ng sandals. Ubos yata ipon ko neto, pero worth it naman yung mga ginastos ko, but but but! Hindi ako nabusog!

Pumunta kami ng counter para bayaran ang mga pinamili na 'min. Iniwan muna namin ang mga binili namin sa may baggage counter saka kami pumunta ng supermarket.

Ang Eiya, kinunsinti pa ang dalawang bata. Kumuha si Eiya ng dalawang push cart, ang isa ay tinutulak niya habang nakasakay doon si Rolen, ang isa ay pinatulak sa 'kin habang nakasakay naman do'n si Kenji.

"Sa chocolate section tayo!" Sigaw ni Kenji, halos mabingi na 'ko sa kaniya.

"Ano ba! Bwisit ka, nakakabingi yang boses mo!" Reklamo ko, king'na tinawanan lang nila ako.

"Chocolate! Chocolate! Chocolate!" Parang nag rarally'ng sabi ni Kenji, tinataas baba pa ang kamay.

"Wala akong sinabing bibilhan kita ng chocolate!" Pagmamake face ko.

"Meron!"

"Wala!"

"Zycheia, diba meron siyang sinabi na bibilhan niya tayo ng chocolates, diba! Diba, diba?!"

Nandamay pa

"Oo nga meron!" Nakangising sabi naman ni Eiya.

Anak ng...

Nakisali pa talaga!

"Wala!"

"Meron!"

"Sa arcade kanina, nyeh nyeh nyeh!" Binebelan ako ni Eiya, dagdag mo pa yung dalawang kamay niya sa sentido niya, nang aasar.

May sinabi ba 'ko sa kanila? Wala naman di'ba?

"Kapag hindi ka bumaba d'yan, hindi kita ibibili ng chocolate mamaya!" Banta ko, aba ang sira agad na bumaba, basta talaga sa pagkain mabilis! Parehas kami.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now