"Akin 'to, talo talo kapag sa pagkain na!" Aniya, ang acting pa siyang parang sarap na sarap sa kinakin niya.

Ngumiwi ako, "ikaw magbabayad niyang kinain mo ha!"

"Huwag ako, Isha, kanina mo pa nabayaran 'tong pagkain na 'tin." Ngumiwi naman ako dahil sa sinabi niya.

Oo, nga pala, sa counter palang bayad na!

Nakakainggit huhuhu.

Sumimangot ako, no choice kundi kainin yung mocha flavored cake, ayoko talaga ng gano'ng flavor kaya naka isang kutsara pa lang ako ay nasuya na 'ko.

"Masarap, Rolen?" Tanong ko kay Rolen na enjoy na enjoy sa kinakain, may sauce pa sa paligid ng bibig.

"Opo, ate!" Aniya saka kumagat sa pizza.

Nakakainggit huhuhu, sinilip ko si Kenji na napakalawak ng ngiti niya, mukhang timang, yari ka sa 'kin, bwisit ka!

Si Aling Soling, hindi na nagsalita, napipi na yata, kanina pa tahimik, tapos nakangiti.

Nagpahinga kami saglit nung matapos silang kumain. Ang batang singkit, parang hindi na makatayo dahil sa kabusugan. Ayan lamon pa!

"Sa Department Store tayo!" Aya ko sa kanila, tumuloy kami sa department store para makabili ako ng damit para kay Rolen.

Nanguna pang kumuha ng push cart si Kenji, sumakay naman do'n si Rolen, si Kenji ang nagtutulak, minsan nga ay sinasakyan niya pa ang tinutulak niya.

"Yooohoooo!!" Sigaw ni Rolen, nakataas pa ang dalawang kamay, feeling superman.

"Eeeeeng!" Ani naman nung kasama niya saka patakbong tinulak ang cart.

Hindi to supermarket, hoy!

"Hoy!" Saway ko sa kanila, "...baka makasira kayo d'yan!" Pero hindi nila ako pinansin. "Kayo ang ipambabayad ko kapag nakasira kayo d'yan!" Kaya ayon tumigil sila, hingal na hingal ang tukmol.

Pumunta kami ng kid's section, pinapili ko si Rolen ng gusto niya, t-shirt na may design na spider man, polo shirt na kulay blue, at maong shorts.

"May gusto ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala na po, ate!" Nakangiting aniya.

"Eiya, bili tayo ne— nasa'n si Kenji?!" Bigla kong naiabot kay Eiya ang hawak kong dalawang parehas na damit dahil nawawala ang matsing, este si Kenji.

"Ayon siya..." Turo ni Aling Soling kung nasa'n si Kenji.

Ayon, nakikita ko siyang nagpapacute sa mga sales ladiesna tuwang tuwa namang pinipisil ang pisngi ng bata.

Nilapitan ko siya, saka hinila ang tenga. "Pasensya na po kayo sa kapatid kong parang bula, bigla na lang nawawala hehehe." Sabi ko sa mga sales lady na hanggang ngayon ay  nakangiti.

"A-aw, a-aray, mashakit!" Reklamo niya habang naglalakad kami pabalik sa mga kasama namin, hila-hila ko pa rin ang tenga niya.

"Hinahanap kita, tapos nando'n ka lang pala!" Sabi ko saka binitawan ang tenga niyang namumula na.

Hindi ko sinadya hehehe.

Maluha-luha siyang humarap sa 'kin. "Ang tsakit!" Aniya habang hinihimas himas ang tenga.

May sugat nga pala siya do'n, hala patay! Baka masakit talaga, sorry.

"Pa'no ka ba napunta do'n?" Tanong ni Eiya, pinagtatawanan niya ang batang umiiyak na.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon