"Oh, ano, ayos ka lang?" Natatawang tanong ni Eiya.
"Tara na nga papalit na 'tin tong mga 'to." Sabi ko saka ko siya inirapan.
Kinuha ko ang mga tickets ko, gano'n na lang ang tuwa ko dahil sa dami no'n. Ang swerte ko — BWAHAHAHA *evil laugh*
Pumunta kami sa counter para ipapalit ang mga tickets namin, maraming tickets din ang dala ni Eiya, pero mas marami yung sakin.
"3,340 po ang tickets niyo ma'am." Baling sa 'kin nung nag - a - assist. "Here's your receipt ma'am, valid po yan for one year, anytime pwede niyo pong ipapalit sa mga items na 'to." Turo niya sa mga nakadisplay.
"2,160 po ang inyo ma'am." Sabi naman nung isa pang nag - a - assist kay Eiya. "Here's your receipt ma'am." Sabay bigay sa maliit na resibo.
May nakita akong isang item na nagustuhan ko talaga. Small size siya na stuff toy na stitch, ang cute!
Bawat isa no'n ay kailangan ng 1,650 tickets. May sobra pa akong 40 tickets kung kukuha ako ng dalawa para sana kay Kenji saka kay Rolen. Kaso gusto ko rin no'n, kaya nakaisip ako ng ideya.
"Akin na 'yan!" Biglang agaw ko sa resibong hawak ni Eiya.
"Hoy, akin 'yan!" Reklamo siya, pilit na inaabot ang hawak ko pero inilalayo ko.
"May gagawin ako, papalitan ko na lang hehehe." Sabi ko sabay takbo, hinahanap ko si Aling Soling, baka may tickets siya, hihingin ko na lang.
Nung makita ko siya ay natawa pa 'ko, hindi ko alam kung bakit. Hala naaning na. May hawak kasi siyang marami - raming tickets.
"Aling Soling..."
"Oh, Heira, bakit?" Nakangiting sabi niya habang pinagmamasdan ang anak niyang naglalaro ng basketball.
"Gagamitin niyo po ba yung mga tickets na 'yan?" Turo ko sa hawak niya.
"Ah, hindi naman, hija..."
"Pwede pong akin na lang 'yan?" Nagpapacute pa 'ko.
"Oo naman, oh eto." Abot niya sa 'kin sa mga tickets.
"Thank you, Aling Soling, you're the best!" Nag flying kiss pa ako sa kaniya saka bumalik sa counter para ipabilang ang mga hawak ko na tickets.
"2,430 tickets ma'am." Ani nung kanina saka binigay ang maliit na resibo.
"Eiya..."
"Oh, bakit? Ibabalik mo na ba yung mga tickets ko?" Sarcastic na sabi niya.
"3,340 plus 2,160 plus 2,430?" Tanong ko sa kaniya habang tinitignan ang tatlong maliit na resibong hawak ko.
"Aba naman, ikaw na kaya mo na 'yan, mas matalino ka sa 'kin 'no!" Reklamo niya.
"Sabihin mo, tamad ka lang mag isip!"
"Atleast ako, tamad lang mag isip, ikaw tamad talaga!" Sabi niya saka tumawa.
Hindi ko na kaya bigyan ng stuff toy 'to?
"Paki total po, salamat." Sabi ko na lang sa assistant, wala ako sa hulog para mag compute ngayo.
"7,930 tickets ma'am." Nakangiting aniya mayamaya.
"Ang dami pala..." Bulong ko.
"May napili na po ba kayo ma'am?"
"Yung stitch po sana..." Turo ko sa nakita ko kanina. "Apat po sana hehehe." Tumango siya saka pumasok sa loob, kumuha siya ng apat na gano'n.
"6,600 tickets po lahat ma'am." Sabi niya saka may sinulat, tinotal lahat. 1,330 pa ang sobra.
"Sige, yon na lang po." Sabi ko, binigay niya sa 'kin ang apat na stuff toy pati na rin ang resibo ng sumobrang tickets, nilagay ko 'yon sa wallet ko, baka sakaling magpunta kami ulit dito, dadagdagan ko na lang.
"Eiya..."
"Oh?" Aniya habang nakapamewang pa.
"Eto ang sayo." Sabay abot sa isang stitch.
"Hala, ang cute niya, thank you!" Aniya, niyakap pa ang laruan.
Hinintay na lang namin sa may entrance ang mga kasama namin, hinintay namin sila matapos maglaro.
Nung matapos sila ay lumapit sila sakin, si Rolen at Aling Soling ay tuwang tuwa, si Kenji naman ay umiiyak na parang bata, kinukusot pa ang mata.
Anyare sa kaniya?
"Nag enjoy kaba, Rolen?" Tanong ko kay Rolen, yumuko pa 'ko para tignan siya.
"Oo naman, yes ate Heira!" Masiglang sabi niya.
"Mabuti naman, eto ang para sa 'yo..."
Sabi ko saka ko binigay ang isang stitch sa kaniya.
"Hala, ang cute po ate, salamat!" Aniya saka ako niyakap, yinakap ko rin siya pabalik.
Kumalas ako sa yakap niya saka tinignan si Kenji na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin.
"Anyare sa'yo?" Tanong ko, natatawa ako dahil sa itsura niya, mukha siyang bata habang nakalabi pa.
"Yakie, wala akong nakuha!" Aniya saka humagulgol.
Tumawa naman kaming lahat.
"Oh, eto, wag ka ng umiyak, kanina ka pa eh..." Sabay abot sa kaniya nung stitch.
Ang bata, umayos ng tayo, pinunasan ang luha, pati sipon pinunasan na rin niya saka pumalakpak pa. Tuwang tuwa, ang liwanag ng mukha.
Yung totoo, wala pa bang tama 'to?
"Thank you, Yakie!" Aniya saka yumakap sa bewang ko.
Saglit lang naman yon. "Aling Soling, pasensya na po, wala ka tuloy hehehehe." Sabi ko kay Aling Soling tsaka nag peace sign sa dalawang kamay.
"Haynako, ayos lang iyon, hija, ang mahalaga ay masaya kayo." Aniya.
"Tara na po? Kakain na po tayo!" Pagyayaya ni Eiya.
Kakain? Sinong nagsabi no'n?
&.&
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 18
Start from the beginning
