Bumili ako ng limang plastic na may lamang 200 pesos na tokens. Binigay ko iyon sa kanila. Pati si Aling Soling binigyan ko na.

Malay mo naman maglaro!

Kaniya - kaniya na kami, bahala na sila sa buhay nila, basta ako maglalaro hehehe, hindi ko na tinignan kung nasa'n sila, pumunta ako sa isang arcade, yung may nakukuha kang ticket kung saan mahuhulog ang bola.

40 ang tokens ko, mas dagdag pang sampo, bale 50 lahat. Nahulog ko na ang 38 na tokens ko, swerte ko dahil laging nahuhulog ang bola sa 50 tickets saka 100 tickets.

Ang dami, yeheeey!!

Magpapatuloy na sana ako ng may kumalbit sa likod ko. Hindi ako lumingon, hindi ko na pinansin. Nag lagay ako ng isang token, pipindutin ko na sana yung token ng kalbitin ulit ako.

"Ano ba, hindi ka ba makapaghintay, may naglalaro pa oh?" Reklamo ko, hindi ko na siya nilingon.

Kinalbit niya ko ulit.

"Ano ba! Maghintay ka, ang dami namang ibang machine oh?" Iniiwas ang balikat ko.

Maglalagay na sana ako ulit ng token ng biglang...

"HUK—" Muntik na 'kong matumba dahil may sumalakay sa likod ko.

"Yaaah, yoohooo, Yakieeee!" Alam ko kung kaninong boses 'yon.

Batang singkit!

"A-ano ba, b-bumaba ka, h- hindi ako makahinga, Ji!" Reklamo ko, pilit na inaalis ang kamay niya sa leeg ko. Pumasan siya sa 'kin ang bigat bigat niya!

"Yaaaah, digidig digidig koboy!" Aniya, akala mo ay nag ho - horseback riding.

Pinagtitinginan na kami ng mga nasa paligid, tumatawa pa, habang ako eto hirap na hirap.

"B-bumaba ka na, n-nasasakal ako, punyeta k-ka!" Pilit na yinuyugyug ang likod ko para bumaba siya pero hindi niya ako pinansin, sakto namang nakita ko si Eiya.

"Eiya, i-ibaba mo t-tong singkit n-na 'to, hindi a-ako makahinga!" Sigaw ko kaya naman agad siyang lumapit sa 'min.

"Hoy, baba ka, nangingitim na si Heira!" Aniya habang pilit na inaalis ang kamay ni Kenji sa leeg ko.

Grabe, nangingitim agad?

Ang bigat, feeling ko bumaba ang mga kinain ko kanina. Feeling ko nalaglag ang bituka't atay ko dahil sa bigat niya, dagdag mo yung likot niya.

"Kapag hindi ka bumaba d'yan, hindi kita ibibili ng chocolate mamaya!" Banta ko, aba ang sira agad na bumaba, basta talaga sa pagkain mabilis! Parehas kami.

"Wala na 'kong token, Yakie!" Nakasimangot na sabi niya sa 'kin pinakita niya pa ang palad niya sa 'kin, akala mo ay lugmok na sa utang!

Naghahabol ako ng hininga bago bumaling sa kaniya, hawak ko pa ang leeg ko. "Papatayin mo ba 'ko ha?!" Naiinis na sabi ko sa kaniya.

"Grabe ka, papatayin agad?" Aniya.

"Ang bigat mo tapos bigla ka lang papasan sa 'kin, gusto mo bang makuba ako ha?"

"Hindi naman ako mabigat!"

"Matimbang lang?" Sarcastic na sabi ko sa kaniya.

Umiyak naman ang Kenji. "Sorry, Yakie, uuwi na lang ako." Sabi niya, akmang aalis siya ay hinila ko pabalik ang braso niya.

"Oh, eto tokens, 'wag ka ng umiyak, ang pangit mo!" Sabi ko habang natatawa. Binigay ko lahat ng tokens ko sa kaniya.

Lumiwanag naman ang mukha niya, kinuha niya ang mga tokens at tumakbo na papalayo. Napailing na lang ako sa kakulitan niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon