Maisingit lang talaga naman.

"Anong konek no'n?" Tanong ni Eiya, sinamaan lang siya ng tingin ni Kenji.

Mayamaya ay nakarating na kami sa mall, dumeretso kami sa parking lot. Nagpauna pang bumaba si Kenji, tatalon talon pa, tapos pumapalakpak pa, akala mo ay siya ang ipinasyal.

Napasapo na lang ako ng noo sa mga ginagawa niya. Bumaba kami, sinigurado ko munang nakalock ang kotse, mahirap na, hindi naman 'to sa 'kin.

Nakahawak sa braso ni Aling Soling si Rolen, mukhang miss niya na talaga ang nanay niya. Ang bata naman na isa ay iniangkla ang isang braso niya sa braso ko, ang isa naman ay nasa braso ni Eiya. Napagitnaan namin siya.

"Tara na, yooohoooo!" Nakakabinging sigaw ni Kenji.

"Anak naman ng, ang sakit sa tenga!" Reklamo ni Eiya.

"Mama mo tenga!"

Lumakad kami papasok ng mall, halos masubsob pa ako dahil sa tatalon talon kung maglakad ni Kenji. Pati ako nadadala ng bigat niya.

"Ang bigat naman neto!" Parinig ko, pero 'di niya ko pinansin.

Wa epek!

"Yaaah, yoohooo!" Enjoy na enjoy, pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid dahil sa ingay niy.

Nasa harap namin sina Aling Soling, minsan ay nakikita kong may tinuturo siya sa anak niya. Hindi na namin inistorbo ang pag uusap nila, mukhang masaya silang pareho.

Masaya rin 'tong isang nasa tabi ko, kami ni Eiya ay parang naging yaya tapos alaga namin si Kenji.

Nakakapagod kahit nakakailang hakbang palang kami, sinong hindi mapapagod eh may dala kaming baby damulag dito. Kung makatalon ay wagas, pati kami nadadala na.

"Rolen, sa'n mo gustong pumunta?" Tanong ko.

"Pwede po bang sa arcade, masaya ro'n ate!" Pumapalakpak na sagot niya.

"Sige, tara na?" Aya ko, bumitaw ako sa pagkakaangkla ni Kenji, dahil nahihirapan na talaga ako!

Pero ang bata, sa palapulsuan ko kumapit. Nagkaanak ako ng wala sa oras.

Pumunta kaming second floor dahil nando'n ang arcade. Naghagdan kami kaya ngayon hingal na hingal kami ni Eiya, pa'no ba naman ay hila hila niya kami mula sa unang hakbang ng hagdan hangang sa tiles ng second floor.

Linshak, hindi ba siya napapagod?!

"Nakakapagod!" Naghahabol na hiningang sabi ko nung nasa entrance na kami ng arcade.

"Hyper na hyper, bwisit ka, Kenji!" Reklamo ni Eiya, nakayuko pa, ang dalawang kamay ay nasa tuhod.

"Ang hina niyo naman!" Nagmamayabang pang sabi ni Kenji.

Abnoy!

"Ikaw ba naman hilahin ng hilahin, sinong hindi mapapagod?" Sarcastic na sabi ko, binelatan lang ako ng bata singkit! Kakaltukan ko 'to, pigilan niyo ko!

"Oh, ayos lang kayo mga hija?" Tanong ni Aling Soling.

"Opo, ayos lang po..." Sagot ko tsaka nagpunas ng pawis sa noo gamit ang likod ng palad ko.

"Tara na, Ate Heira!"

"Tara na, Yakie!"

Sabay na sigaw ng dalawang bata, hinawakan pa ang magkabila kong kamay. Pumasok kami ng arcade areas na hatak hatak ako nung dalawa. Halos mapilay na 'ko sa panghahatak nila.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon