"Woi, Rolen!" Napalakas yata ang pagkakasabi ni Eiya no'n kaya medyo napatalon pa ang bata.

Maka woi naman 'to, feeling close?

"Hello po, ate ganda!" Kumaway naman siya kay Eiya.

"Sabi sa'yo eh, maganda ako!" Sabi sa'kin ni Eiya.

"May sinabi ba 'ko sa'yong pangit ka?" Tanong ko na natatawa.

"Psh, ang gwapo naman po ng anak niyo Manang Soling." Sabi ni Eiya habang nakayuko pang ginulo ang buhok ng bata.

Gwapo talaga yung bata, medyo payat ngalang, maputi siya, makapal ang kilay, konti na lang mapagkakamalan mo ng may lahi.

"Ate Heira, ang ganda niyo po, pwede po ba kitang ligawan?"

Lokong bata 'to, ligaw agad?

"Rolen!" Saway ni Aling Soling. "Tara muna sa loob, magbibihis lang siya."

"Aalis po tayo nanay?"

"Oo, tara magbihis kana."

"Saan po tayo pupunta?"

"Mamasyal tayo!" Ako na ang sumagot.

"Talaga po?"

"Oo, iwan na 'tin siya." Turo ko kay Eiya.

Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Ikaw ang nangyaya sa 'kin tapos iiwan mo 'ko?" Tanong niya saka ako inirapan. Tumawa lang kami.

"Hintayin mo 'kong lumaki ate Heira ah, pati ikaw ate..." Hindi niya na alam ang sasabihin dahil hindi niya alam ang pangalan ni Eiya.

"Ako si ate Zycheia..." Pakilala ni Eiya, kinurot ang pisngi ng bata.

Hindi naman siya bata, sampong taon na raw siya sabi ni Aling Soling pero mukha lang siyang pitong taon, ang cute!

"Oo tama, hintayin niyo po akong lumaki ah... liligawan ko kayong pareho!" Aniya, nagpogi sign pa.

Dalawa pa ang liligawan ah, bad yan!

"Sige, hintayin ka naming lumaki." Pang uuto pa ni Eiya.

"Sige, kunsintihin mo pa." Bulong ko sa kaniya bahagya ko pang binunggo ang braso ko sa braso niya.

"Maligo kana Rolen para makaalis na tayo." Sabat ni Aling Soling na may dala pang juice. "Maupo muna kayo mga hija, maliligo lang siya saglit." Sabi niya kaya umupo kami sa sofa niya.

Malinis ang bahay, medyo maliit pero sakto lang pang isang pamilya, maayos at kumpleto ang gamit. Simple ang buhay nila sigurado ako.

"Manang, sino pong nag aalaga kay Rolen kapag nasa trabaho mo kayo?" Tanong ni Eiya tapos sumimsim siya sa juice niya.

Manang talaga ang tawag ni Eiya sa kaniya.

"Ang Tiya Solana niya, hija, kapatid ng namayapa kong asawa." Sagot ni Aling Soling. Nagulat pa 'ko dahil ngayon ko lang nalaman ang bagay na 'yon.

"Minsan ay dalhin niyo siya sa bahay Aling Soling, mag eenjoy siya do'n!" Sabat ko.

"Nako, hindi na hija, malayo ang byahe."

Oo nga naman...

"Oh, Soling nakauwi kana pala..." Sabi nung isang medyo matanda ng babaeng may dala pang bayong. "Aba at may bisita pala kaming mga magagandang dilag." Nakangiting baling niya sa 'min.

"Hello po, tita..." Nagpapaka feeling close na 'ko.

"Hi po, tita!" Masayang bati ni Eiya.

"Siya ang anak ng amo ko, gusto niyang ipasyal si Rolen, gusto mo bang sumama Solana?" Tanong ni Aling Soling kay ano, tita Solana na lang.

"Gano'n ba? Hindi na 'ko sasama ayos na 'ko, pauwi na niyan si Tiana." Tanggi ni tita Solana. "Magluluto muna ako, dito ba kayo kakain?" Tanong niya.

"Ah, hindi na po tita, paalis na rin po kami." Sagot ko kahit nagugutom na 'ko.

"Osige, mag iingat kayo ha." Paalala niya at pumunta na ng kusina.

Sakto namang bumaba na si Rolen, gwapong gwapo sa suot niyang long sleeves polo, nakapantalon siya, mukhang nagwax pa ng buhok dahil natayo ang ayos nung buhok niya. Naka rubber shoes pa.

"Aba, ang gwapo ah, appear!" Nakipag appear pa si Eiya kay Rolen matapos niyang sabihin 'yon.

"Ang gwapo mo naman..." Sabi ko naman, akmang guguluhin ang buhok niya pero hindi ko na tinuloy baka matusok ako sa buhok niyang sobra ang taas.

"Salamat mga ate!" Nag pogi sign pa.

"Tara na po?" Aya ko ng mag ngitian na ang mag nanay.

"Tara, Solana aalis na kami!" Paalam ni Aling Soling.

"Oo sige, ingat kayo." Kumaway pa si tita Solana.

Lumabas kami tsaka sumakay sa kotse.

"Salamat po ate Heira ah, matagal ko na po kasing hindi nakakasama si nanay eh..." Anang bata.

"Ano kaba, ayos lang 'yon, wala rin kasi kaming ginagawa ni Ate Zycheia mo, kaya inaya ko na si nanay mo para makapag bonding din naman kayo." Mahabang paliwanag ko saka inistart ang kotse.

Nung nasa kalagitnaan na kami ng byahe, may namukhaan akong isang lalaki na naglalakad sa daan.

Kenji...

Nasa kabilang side siya, mukhang uumiyak pa. Nagulat pa ang mga kasama ko nung makitang inihinto ko ang sasakyan sa tabi. Bumaba ako, hindi na nila ako sinundan.

"Kenji..." Tawag ko kay Kenji.

Nilingon niya ako, gano'n na lang ang awa ko sa kaniya ng makita kong umiiyak nga siya, namumula ang ilong, mugto ang mata.

"Hala, bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kaniya tsaka ko hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Matangkad ako sa kaniya kaya tumingala pa siya sa 'kin.

"Wala naman..." Alam kong nagsisinungaling siya, pilit na ngiti ang pinakita niya sa 'kin.

Napansin ko ang pamumula ng isang tenga niya, may sugat din siya sa braso, may pasa sa bandang labi niya.

"Bakit nga kasi umiiyak ka?"

"Napuwing lang."

King'nang puwing 'yan, mugto ang mata mo tapos puwing lang? anong pumuwing sayo? Bato?

"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong ko sa kaniya.

Tumango naman siya. "Bakit ka nandito, Yakie, miss mo ko?" Pilit niyang pagloloko.

"Mamasyal kami, tapos nakita kita, gusto mong sumama?"

"Sige ba, kaso wala akong maneh!"

Maneh, money daw, wag kayong ano d'yan!

"Ililibre na lang kita, sayang naman yang suot mo oh..."

Nakapantalon kasi siya tapos naka polong malaki, may relo pa sa kamay, tapos nakaayos din ang buhok.

"Sige, Yakie! Aylabyu na!" Aniya saka nauna pang sumakay sa kotse.

Iniwan ako sa daan ng batang singkit. Hindi naman siya mukhang eksoyted 'no?

Hindi ko alam kung anong problema mo, pero andito si ate para sa'yo...

&.&

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon