Ngayon ko lang siya ginawan ng gan'to, at masaya ako para do'n.

"Mommy, aalis na po kami, bibilhan na lang kita mamaya ng pizza!" Sabi ko kay mommy saka ko siya hinalikan sa pisngi.

"Eto ang susi, ingat kayo, huwag bilisan ang pagda drive okay?" Aniya saka inabot sa akin ang susi ng kotse niya.

"Oo naman po."

"Good, oh siya, kwentuhan mo 'ko mamaya ha?"

"Opo!"

Lumabas kami ng bahay, sumakay ako sa kotse ni mommy, si Aling Soling naman ay ang nagbukas ng gate para mailabas ko ang sasakyan.

Nung mailabas ko, hinintay ko muna siyang isara ang gate tsaka siya sumakay sa backseat.

"Aling Soling..."

"Ano 'yon?"

"Daanan mo muna natin si Eiya pwede po ba 'yon?"

"Oo naman."

"Inaya ko po kasi siya."

"Abay, maganda ang iyong ginawa, mas madami mas masaya."

"Sige po..."

Pinaandar ko ang kotse, maaga pa naman kaya walang traffic, mabilis lang kaming nakarating subdivision nila Eiya.

"Let's go? Hi Manang Soling, ang ganda mo!"

Sabi niya ng makasakay sa front seat.
Nakadress siya na pink saka nakasandals, nakapusod ang buhok, may headband siya na gawa sa tela. May maliit siyang bag. Magaling siyang mag ayos.

"Bakit ba mukha kang lalaki d'yan sa suot mo?" Tanong ni Eiya habang nasa byahe kami, tinignan niya pa ang kabuuan ko. Mula kalyo sa paa hanggang sa bumbunan ko.

"Eh ano naman ngayon?" Tanong ko, si Aling Soling nakangiti lang, mukhang excited na.

"Ang pangit tignan sa'yo mukha ka mga kasing lalaki!"

"Pangit lang naman ang suot ko, pero maganda ako."

"Ang kapal!"

"Sige, umangal ka, hindi mo lang matanggap."

"Ang alin?!"

"Na maganda ako kahit hindi ako marunong mag ayos." Saka ko siya kinindatan, ang gaga mukhang nandidiri pa.

Halos dalawang oras din ang byahe na 'min, ang daming tinurong pasikot sikot ni Aling Soling para makarating kami sa bahay nila.

Bumaba kami ng kotse, pinagmasdan ko ang paligid, mukhang tahimik, mapuno, may mga bahay na layo layo mga lang. Mukhang sitio 'tong napuntahan na 'min.

"Nay!" Anang isang bata na patakbong lumapit sa 'min, yumakap siya sa nanay niya na agad naman siyang binuhat.

"Rolen!" Ani ni Aling Soling.

"Siya yung anak ni Manang?" Tanong ni Eiya.

"Oo, hija... namiss kita anak." Baling siya kay Rolen.

"Namiss ko rin kayo nanay."

Pinagmasdan ko ang bahay sa harap namin mukhang sa kanila ito. Maliit, medyo luma na dahil gawa ang ilang parte sa kahoy pero maaliwalas tignan dahil may iilang halaman na nakatanim sa bakuran nila.

"Hello, Rolen!" Bati ko kay Rolen, anak ni Aling Soling.

"Hello po ate!" Bumaba siya sa kaniyang nanay tsaka niya ako kinawayan.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon