Hoy, Eiya!

Message Sent: 7:00 A.M

Matagal bago siya sumagot sa text ko, mukhang napahaba ang usapan ni nung kausap niya, nagbasa na lang muna ako habang hinihintay ang reply niya.

From: 09*********

Bakit? Sorry kausap ko si papa kanina hehehe.

Message Received: 7:16 A.M

To: 09*********

Ayos lang! Busy ka ba?

Message Sent: 7:17 A.M

From: 09*********

Hindi naman, bakit?

Message Received: 7:18 A.M

To: 09*********

Pasyal tayo? Kasama natin yung anak ni Aling Soling.

Message Sent: 7:19 A.M

From: 09*********

Sige ba, basta libre mo ha?!

Message Received: 7:20 A.M

Buraot!

May ipon ako kaya malakas ang loob kong mangyaya ng galaan, sobra -  sobra kasi ang allowance na pinapadala ni daddy, minsan ay binigyan pa 'ko ni Kio tsaka ni mommy kaya nakakapagtabi ako ng pera.

May savings ako sa ATM ko, ang gagastusin kong pera ngayon ay ang ipon ko sa sobrang perang na withdraw ko, wala naman akong pinag iipunan, pero nakakapagtabi ako dahil hindi rin naman ako mahilig gumala, minsan lang talaga.

To: 09*********

Sige, sunduin kita mamayang 8:00,
magready kana!

Message Sent: 7:23 A.M

From: 09*********

Ok. Seeyah!

Message Received: 7:24 A.M

'Yon lang ang usapan na 'min, naligo ako saka nagbihis, kahit ano na lang ang madukot ko sa cabinet ay yo'n na lang ang pinili ko.

Nagsuot lang ako ng ripped jeans tsaka malaking black t-shirt, nagsapatos na din ako. Hinayaan ko na ang buhok ko, bahala na siya sa buhay niya.

Tumingin ako sa orasan at malapit na ring mag 8:00 A.M kaya bumaba na 'ko ng kwarto dala ang wallet at cellphone ko na nakalagay sa bulsa ko.

Nakita ko si mommy na nasa sala, nakaupo sa sofa may hawak na ballpen sa isang kamay, papel naman sa isa pa.

"Mommy..."

"Oh, Heira, ang aga niyo naman?"

"Opo hehe, gusto niyong sumama?"

"Hindi na, marami pa 'kong gagawin, enjoy kayo." Aniya saka ngumiti.

Pumunta ako sa kwarto ni Aling Soling. Nakita ko si Aling Soling na nakaupo sa kama niya, nagsusuklay ng buhok, nakasimpleng blouse lang siya saka pantalon.

"Tara na po?" Aya ko sa kaniya, nilingon niya naman ako saka siya tumayo.

"Tara." Aniya hinawakan pa ang kamay ko.

Ang sarap sa pakiramdam na sa simpleng bagay lang na gagawin ko ay may mga tao akong mapapasaya. Matagal ng nagtatrabaho sa 'min si Aling Soling, mula pa sa dati naming bahay hangggang dito sa bago ay siya na ang kasama namin sa bahay.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant