Hindi ko na tinuloy ang pagkanta ko, baka nabubulabog ko na ang mga kapit bahay, nahiya naman kasi ang birit ko sa sigaw nilang konti na lang mukhang magkakagyera na dahil sa lakas. Kapag sila okay lang? Kapag ako, nakakaistorbo? Ang daya niyo ha!
Nagbihis lang ako ng pangtulog, hindi na 'ko nagsuklay, pwede 'yon, maganda naman na 'ko kahit hindi nagsusuklay. Bumaba ako ng kwarto saka pumunta sa kusina para sana uminom, pero nakita ko si mommy na nagluluto.
"Nakauwi na po pala kayo..." Sabi ko saka ko siya hinalikan sa pisngi.
"Kani-kanina lang, nagpahinga lang ako saglit."
"Bakit kayo po ang nagluluto?" Tanong ko saka dumungaw sa ref para maghanap ng makaka— tubig! Tubig ang hinahanap ko.
"Maaga pa naman kaya naisipan kong ipagluto ka ng carbonara saka chicken pastel." Nakangiting sabi ni mommy, sumulyap siya saglit sa 'kin saka nagpatuloy sa ginagawa. "May ginagawa pa kasi si Ate Soling, nagtutupi pa ng mga damit." Dagdag niya pa.
Paborito ko talaga ang carbonara, saka chicken pastel, yung may gatas at butter — Eeeeiiiik saaaaaraaaap!
Uminom ako tsaka umupo na sa pwesto ko. Mukhang patapos na rin si mommy kaya naupo na 'ko, hindi naman ako excited, ano ba!
"Tawagin mo muna si Ate Soling sa kwarto niya, para makasabay na siya sa ating kumain." Utos ni mommy habang nagsasalin ng kanina sa lalagyan. Mukhang tapos na siyang magluto, ang bango!
"Sige po."
Tumungo ako sa kwarto ni Aling Soling para tawagin sana siya. Akala ko ay nagtutupi siya ng damit pero nagulat ako ng marinig 'ko ang mahinang iyak at hikbi niya.
"Aling Soling..." Tawag ko, lumingon siya, mabilis niyang pinunasan ang luha niya.
"Oh, hija, may kailangan ka ba?" Tanong niya, kita ko ang pamumugto ng mata niya.
"Hala, bakit po kayo umiiyak?" Tanong ko saka lumapit sa kaniya.
"Ah, wala ito."
"Aling Soling naman."
"Namimiss ko lang kasi ang anak ko, ilang buwan na rin kaming hindi nagkakausap."
"Kahit po sa telepono?"
"Hindi eh, wala kasi ako no'n aniya."
Napaisip naman ako, wala naman akong gagawin bukas, pwede naming sunduin ang anak niya tapos mamasyal kami. Para makapag bonding naman din silang dalawang mag nanay.
"Gan'to na lang po, sunduin po natin siya bukas tapos mamasyal tayo sa mall, pwede po ba 'yon?" Mukha namang nagulat pa siya sa alok pero nakita ko naman ang pagliliwanag ng mukha niya.
"Nako, hindi na hija, maabala ka pa."
"Hindi po ah, ang totoo ay wala naman po akong gagawin bukas, kaya pumayag kana po."
"Osiya, sige, maraming salamat, matutuwa si Rolen."
"Tara na po? Kakain na raw po." Aya ko sa kaniya, tumango naman siya saka kami sabay na pumunta sa dinning area.
"Mommy, may gagawin ka po ba bukas?" Tanong ko kay mommy, nag umpisa na kaming kumain.
"Mayroon, bakit?" Tanong niya.
"Gagamitin mo po ba yung kotse mo?"
"Hindi rin, dito lang ako magtatrabaho, may i cocompute lang, bakit?"
"Hiramin ko po ah, ipagpapaalam ko na rin po si Aling Soling, pupuntahan namin ang anak niya."
"Hija, wag na, ayos lang." Nakangiting pigil ni Aling Soling sa akin.
"Oo naman, ako na ang bahala dito sa bahay." Ani mommy.
"Thank you mommy!" Sabi ko.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng mapaisip ako.
"Mom..."
"Hmm?"
"Nagbago na po ba talaga ako?" Tanong ko, mukhang natigilan pa siya, nang iwas lang siya ng tingin sa akin.
"Kaunti lang naman ang nagbago sa'yo..."
"Ano po 'yon?"
"Naging madaldal ang isang mahinhing dalaga." Saka sila nagtawanan ni Aling Soling.
Trip mo ko ma?
"Mommy naman eh, yung aksidente po..."
"Bakit?"
"Anong nangyari nung pagkatapos po ng aksidente?"
"Ha? wala, walang nangyari anak, kumain kana." Hindi ko alam pero mukhang kabado si mommy ngayon, anong nangyayari sa kaniya?
"May mga kamag - anak po ba tayo?" Tanong ko ulit.
"Meron."
"Nasa'n po sila?"
"Nasa malayo."
"May mga kapatid po ba kayo?"
"Mayroon."
"Sino po sila?"
"Basta nasa malayo?"
Sino, tapos basta nasa malayo ang sagot? Lutang ka ba ma?
"Bakit hindi na 'tin sila puntahan o kaya tayo ang puntahan nila?"
"Hindi pwede."
"Bakit po?" Nakasimangot na tanong ko, ang dami namang sikreto ni mommy, pati kamag - anak na 'min ay ayaw niyang ipaalam sa 'kin.
"Mahabang kwento, anak"
"Paikliin mo po hehehe."
"Hindi nga pwede!" Nabigla pa ako dahil sa paglakas ng boses ni mommy, ngayon ko lang siyang nakitang sumigaw ng gano'n, at sa akin mismo.
"Sige po, pasensya na po..." Napayuko na lang ako dahil sa hiya, baka ayaw lang talagang ipaalam sa 'kin ni mommy kata siya gano'n kung magreact.
Marami bang tanong na nasa isip ko pero ayoko ng sabihin pa sa kanila, baka ayaw nilang pag usapan ang mga itatanong ko.
Bakit ba ang dami kong tanong na hindi nila masagot?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 16
Start from the beginning
