Hindi nga pala niya alam na inilipat ako tapos yung mga kaklase kong nadatnan ay napaka— Aiiisssshh
"Oo naman hehehe." Sagot ko na lang saka iniiwas ang paningin ko.
"Dati nung nandito ka pa, may naging kaibigan kaba?" Pag iiba ko ulit sa usapan.
Matagal bago siya sumagot, mukhang nag iisip pa. Huminga siya ng malalim bago sumagot. ["Oo, meron."]
"Talaga? Eh bakit parang hindi ko sila nakitang pumunta sa 'tin dati?" Tanong ko.
["Baka hindi mo na maalala dahil sa nangyari, tsaka isa pa, kapag pumupunta sila sa bahay, palagi kang wala, na kina Zycheia ka lagi..."]
"Ah gano'n ba 'yon? Sayang naman, anong mga pangalan nila? Ilan sila?" Sunod sunod na tanong ko, reporter lang ang peg.
["Apat sila."] Yon lang, hinihintay ko pa ang sunod niyang sasabihin pero wala na siyang sinabi.
"Anong pangalan nila?"
["Wag mo ng itanong 'yon, ay late na, may pupuntahan pa 'ko, I'll call you again tommorow, okay?"] Aniya, nagmadali pang kumilos.
"Sige, ingat kayo d'yan, love you, miss you both." Sabi ko na lang saka pinatay ang tawag.
Tumingin ako sa relo sa may dingding, 5:00 P.M na, napahaba at napasarap yata ang kwentuhan namin ni Kio kaya hindi na namin namalayan ang oras.
Madalas ay kami lang talaga ni Kio ang nag uusap, laging wala si daddy dahil sa trabaho niya, gano'n din si mommy, madalang lang kung makapag usap kaming lahat.
Humugot ako ng malalim na hininga, saka malakas na inilabas ito, buti na lang walang sipon na sumama.
Masyado pang maaga para sa hapunan, pero konting tiis na lang at makakakain na ang mga alaga kong dragona.
Napatingin ako sa side ko, hindi na ako nagulat dahil sa dami ng plastics na nasa side ko, nakaupo ako sa kama. May tatlong malalaking plastic ng chitchirya, may apat na pinagbalatan ng chuckie, may chew - c na candy pa.
Inipon ko 'yon tsaka nilagay sa maliit na trash bin sa may likod ng pinto. Pinagpag ko rin ang higaan ko, mahirap na baka langgamin.
Nung matapos ay naligo na 'ko, sige kung makahilod ako, pinakashampoo ko pa ang buhok kong magulo, nadala ako ng pagliligo ko kaya naman napapakanta pa ako.
"Lift your head, baby, don't be scared.
Of the things that could go wrong along the way... you'll get by with a smile... you can't win at everything but you can try... baby, you don't have to worry." Tumigil muna ako para sabunin ang mukha ko.
"'Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way... when they're closing all their doors... they don't want you anymore.
This sounds funny but I'll say it anyway." Pagpapatuloy ko, ginawa ko pang mic ang lalagyan ng shampoo.
Kumembot pa ako, tapos kumakaway pa, kunyari may audience na tumitili habang nagko - concert ako.
"Girl, I'll stay through the bad times, even if I have to fetch you everyday.
We'll get by with a smile.. you can never be too happy in this li—" Napatigil ako sa makapigil hiningang performance ko nung may sumigaw mula sa kabilang bahay.
"Ang ingay mo, ang sakit mo sa tenga! Nakakaistorbo ka ng natutulog!" Sigaw niya.
Makasigaw naman 'to, akala mo naman ako lang ang kapit bahay niya na maingay.
Galit na galit? Ako masakit sa tenga? Baka maganda lang talaga ang boses ko kaya siya gano'n, sa sobrang ganda ng timbre ng boses ko ay sumasakit na ang tenga niya. Oo tama!
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 16
Start from the beginning
