["Minumura mo ba ako?!"] Hindi makapaniwalang sabi niya.
Minsan ko lang siya kung murahin kaya gan'yan na lang ang gulat niya, pero siya hindi niya ko minura kahit kailan. Napakabait, injel, grabe!
"Ano, a-ah, k-kasi, ano, wala 'yon engot!" Kinakabahan ako baka magalit sa 'kin 'to.
Tapos kapag nagalit hindi niya na ako kakausapin, hindi niya na ako papansinin, hindi niya na ako tatawagan, tapos hindi ko na makukuwento ang mga kwento ni Aling Marites.
Tapos kapag wala na akong makausap mababaliw na ako dahil siya lang ang kachismisan ko, tapos kapag nabaliw ako hindi ko na maaabot ang mga panga—
["Yakiesha! Are you crazy?"] Natigil ang pag iisip ko ng lumakas ang boses ni Kio mula sa telepono.
"Sinong baliw?"
["Ikaw!"]
"Hindi ako baliw!"
["Hindi ka baliw, mababaliw pa lang? Sinasabunutan mo yang sarili mo tapos mukhang pasan mo pa ang problema ng mundo."]
Pinakiramdaman ko ang sarili ko, oo nga nakasabunot ang dalawa kong kamay sa buhok ko, nakalobo pa ang mga pisngi ko.
"Wala, may naisip lang ako!" Sabi ko, nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng miryenda ko, gutom lang 'to!
["Oh, ano bang naisip mo?"] Tanong niya, ngayon ay kumakain na siya ng mukhang cake yata 'yon.
"Kung ang tao ay namatay, inuuod, kapag ba ang uuod namatay, inuuod din?" Wala sa sariling tanong ko, rinig ko pa ang malakas niyang pagtawa.
Curious lang eh, bakit ba!
["Tanong mo sa turtle!"] Sagot niya.
Turtle? Pagong? Wag na lang, mabagal yong sumagot.
"Hoy, sa'n mo naman napulot yang ganyan ha? Tinuturo ba 'yan d'yan?"
["Psh, abnoy ikaw ang nagsabi sa 'kin niyan dati."]
Makaabnoy naman 'to! Ako ba ang nagturo este nagsabi sa kaniya no'n?
-FLASHBACK-
["Yakiesha, where's mommy?"] Tanong ni Kio sa kabilang linya.
"Ewan ko, hindi ko pa siya nakikita mula kanina eh."
["Umalis ba siya?"]
"Tanong mo sa turtle."
-END OF FLASHBACK-
Oo nga, ako nga nagsabi no'n nung isang araw. Napailing na lang ako, lahat na lang ginagaya niya, gaya - gaya!
"Mahirap bang makipag usap sa mga kaklase mo, Kio?" Pagbaiiba ko sa topic.
["Hindi naman, sakto lang."]
"Psh, syempre sanay kana." Sarcastic na sabi ko.
["Eh, ikaw kamusta naman ang mga kaklase mo?"] Baling niya, pa'no ko naman 'to saaagutin.
Panigurado kapag sinabi kong war kami ni Kayden, akala niya nangbabangas nananaman ako.
"Ayos lang naman, okay na okay, nakakaenjoy, grabe!" Ayokong magmukhang sarkastiko yung pagkakasabi ko pero sarkastiko naman talaga 'yon.
["Mabuti naman, alam kong matino naman ang mga kaklase mo dahil nasa First Section ka."] Napalunok ako matapos niyang sabihin 'yon.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 16
Start from the beginning
