Waaaa, tsakit!

Tumayo ako, hawak ko pa ang noo ko. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong tumatawa yung queen bubuyog na mukhang clown s
kapal ng make up. Idagdag mo pa yung mga alipores niya, lima sila, oo lima! Mukha silang  mga painters with a paint on their faces!

Oh, english 'yon, don't me!

“Sino ba yung tumisod sa 'kin ha?” Inis na tanong ko.

“Me, why?” Tanong ni Queen Bobowyowg!

“Inaano ba kita ha?”

“I told you, hindi pa ako tapos sa'yo!”

“Oh, ngayon tapos kana ba?”

“Not yet.” Malanding sabi niya, iniikot ikot pa ang dulo ng hibla ng buhok niya.

Anak naman ng ano oh...

“Madison, tama na...” Sabat ni Lucas.

Madison?

“What? No, way!” Inis na sabi nung Madison. “May atraso pa sa 'kin yan!” Duro niya pa sa 'kin.

Napahawak naman ako sa dibdib ko, ako? Bakit ako nananaman?

“You!” Duro sa 'kin nung mukhang clown, violet pa ang kulay ng lahat ng make up niya.

“Oh, bakit? Inaano kita?” Sarcastic na sabi ko.

Naramdaman ko yung hapdi ng noo ko pati nguso, sali mo na rin yung matangos kong ilong.

Kapag ako napango, isusumpa kita!

“Isha, namumula yung noo mo...” Nag aalalang bulong ni Eiya.

“Pati yung nguso mo may sugat, ate.” Ani naman ni Alzhane.

Hindi ko sila nilingon, nanatiling na kina Queen Bobowyowg este bubuyog and her company ang paningin ko.

Malandi ka!” Sigaw nung kanina.

“Aba, 'wag mo kong tawaging gan'yan, papaduguin ko ang ilong mo sige ka, badtrip ako!”

Nabigla pa siya, humawak pa siya sa dibdib niya habang naka bilog akong nguso niya, hindi makapaniwala sa pagbabanta ko sa kaniya. Dinidikitan mo si Lucas ko!”

Lucas ko?

Akin siya! Erase! Erase! Joke lang 'yon.

“Oh, ayan sayo na!” Tinulak ko pa si Lucas papunta sa kaniya.

“Violet, tama na, ano ba!” Nagulat pa ako dahil sa pagsigaw niya.

Violet? Kaya pala violet ang mukha niya eh!

“Ano ba!” Sigaw ni Eiya, pumagitna na sa 'min!

“Tumigil na po kayo!” Ani ni Hanna.

“Oras ng klase, bumalik na kayo sa mga klase niyo, ano ba!” Panenermon ni Lucas.

“I'm not done yet bish, there is  more to come, wait for it...” Pagbabanta ni Madison.

“Me too, don't, do not... don't ano...” Singit ni Violet, mukhang nahihirapan pa sa dapat niyang sabihin.

“Don't ano, sige?” Nakangising sabi ko.

“Don't, d- don't, ano, basta, layuan mo si Lucas!” Sabi niya, narinig ko naman ang pagpipigil na tawa ng mga kasama ko, pati si Lucas natatawa din.

Mag- e - english pa kasi eh!

“Ayoko nga, nyeh nyeh!” Pang aasar ko, binelatan ko pa siya.

Mukha naman siyang naasar, pumadyak pa sa lupa habang nakakuyom ang mga palad niya. Inis na inis.

“Hindi mo 'ko kilala, kaya dapat mo na 'kong katakutan dahil sa ginawa mo!” Mataray na sabi ni Madison.

“Me too.”

“Yeah, me too.”

“Ako rin!”

“Ofcourse me too, duh!”

“Me three!”

May pinaghalong taray at harot na sabi ng mga alipores niyang mukhang clown, kulang na lang hindi mo na mamukhaan sa kapal ng mukha este make up.

“Hindi ko naman talaga kayo kilala, dapat ba kilala ko kayo?” Inosenteng tanong ko.

Mukhang naasar naman sila, nagtawanan naman ang mga kasama kong kanina pa nakatunganga, hindi man lang ako tinulungan makipagsagutan sa mga clown na 'to.

“Arrrghh, let's go girls!” Mataray na aya ni Madison sa mga alipores niya, mukha silang girl group.

Girl group na makakapal ang make up, mataas ang pagkakapusod, may hairclips pa na iba iba ang kulay, kulot ang buhok nila na nakapusod. Ang tataray ng mga mukha!

Nung tuluyan silang makaalis ay saka kami naglakad pabalik. Ang sakit ng noo ko!

&.&


Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon