“Nung umalis kayo, ang bwisit na kula— este si Kayden ayon sabi niya 'go!' Eh hindi ko naman alam kung anong go, basta ang alam ko na lang ay binuhat na lang ako ni Maurence na parang sako, ang ending nasa ring na 'ko!” Mahabang paliwanag ko. “Natatawa pa sila, king'na, iwanan ba naman daw ako do'n!” Dagdag ko.
“Buti nandito ka, Lucas?” Baling ni Trina kay Lucas.
“Hindi ka ba kasali sa mga 'yon?” Nanghihinalang tanong ni Eiya.
“Ofcourse not! Hindi ko naman siya tutulungan kung kasali ako sa kalokohan nila.” Depensa ni Lucas.
Ang totoo ay hindi ko nga siya napansin kanina, mukhang wala siya kanina dito sa court. Hindi ko napansin ang presensiya niya.
“Oh, bakit may dala ka ng hagdan kung hindi?” Nagtatakang tanong ni Hanna.
“Eh kasi nga...” Nag umpisang magkwento si Lucas.
——————————————
LUCAS' POV
I was late getting dressed because Sir Edward asked me to go to the principal's office earlier, it took a while so it took me a while to get to the court.
I was on my way to court when I saw Kayden and the others coming out of the court. They were carrying a painter's ladder and laughing.
May ginawa na nanaman ang mga 'to...
And I was right, I saw Heira in the ring, she was sitting there, there was fear on her face as she cried, even though I was still at the door I saw her talking to her friends.
I heard her begging to be let down. I hurried out again and went to the storage room to find a painter's ladder, I don't know where my friends went so I didn't look for them to borrow the ladder they were holding earlier.
The storage room was a bit far so I was out of breath when I got back to the court. I helped her down, her hand obviously still shaking. Kinakabahan siya at mukhang natatakot.
——————————————
HEIRA'S POV
Ikinuwento ni Lucas ang lahat, nagsisi tuloy ako dahil napagod pa siya para tulungan lang ako.
“Salamat talaga ah...” Nakangiting sabi ko sa kaniya.
“You're welcome.” Aniya habang nakangiti rin.
“Naabala ka pa tuloy...”
“It's okay, no worries.”
“Baka gusto niyo ng bumalik ng room?” Sarcastic na sabi Eiya, nakikinig sila sa may tabi.
“Tara na, mamaya na ang labing - labing niyo.” Aya naman ni Trina.
“Let's go?” Tanong ni Lucas, tumango lang ako.
Naglakad kami pabalik ng room, mukhang wala ng balak si sir na puntahan kami sa court. Nakalimutan lang sir?
Nasa pinakalikod kami ni Lucas, magkasabay kami, magkasabay naman yung tatlo. Walang nagsalita sa 'min ni Lucas, yung tatlo naman ay mukhang enjoy sa pinagchichismisan nila.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang isipin ulit ang dahilan nung Kayden na 'yon para gawin sa 'kin yon. Hindi pa 'yon nagsasawa?
Hindi! Mukhang nag eenjoy pa.
Habang tulala ako sa dinadaanan na 'min ay bigla na lang akong natisod.
Oo, sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko na napansin ang paa nung tipaklong na 'yon, tuloy - tuloy akong natumba sa lupa, una nguso sunod ang noo.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 15
Start from the beginning
