Dahan - dahan kaming bumaba, sinusuportahan niya ang bewang at kamay ko, nasa huling baitang na kami ng muntik pa akong matumba dahil nangangatog pa rin ang mga tuhod ko.

“Ahhhh...” Sigaw ko.

Akala ko ay babagsak ako sa sahig pero inalalay niya ang kamay niya sa bewang ko dahilang para nagkatinginan kami, nakahawak ang dalawang kamay ko sa balikat niya.
Ang ganda ng mga mata niya...

Alam niyo yung feeling na parang kayo lang dalawa ang nag eexists nung mga oras na 'yon, bumabagal ang takbo ng mundo, parang nag slowmotion ang lahat ng bagay, gano'n!

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa gano'ng posisyon pero...

“EHEM!” Sadyang nilakasan ng tatlo ang pekeng ubo nila dahilan para matauhan ako at umayos ng tayo.

Inalalayan niya akong tumayo ng maayos, binawi niya ang pagkakahawak sa bewang ko, gano'n din ang mga kamay ko sa balikat niya.

“Salamat...” Sabi ko kay Lucas.

“Ayos ka lang ba?” Nag aalalang tanong niya.

“O - oo, a - ayos na 'ko.” Sagot ko, hindi siya sumagot pero tumakbo siya, may kinuha siya sa may mga bleachers.

“Okay kana ba?” Tanong ni Hanna.
Ngitian ko siya.

“Ayos lang...”

“Syempre nakita niya na si Lu—” Pinitik ko ang noo ni Eiya dahil sa mga pinagsasabi niya.

“Bakit ba naisipan mong tumambay do'n?” Natatawa pang ani Trina.

“Gusto mo bang putulin ko yang mga earphones mo?” Sarcastic na sabi ko sa kaniya, natutop naman siya.

“Here...” Napatingin pa 'ko sa inaabot ni Lucas, isang tumbler na may lamang tubig. “Drink this...” Dagdag niya ng hindi ako sumagot.

Kinuha ko 'yon tsaka uminom, mukhang hindi pa naman yon nainuman, kaya safe! Medyo umayos ang pakiramdam ko dahil do'n. Kanina kasi ay feeling ko natuyo ang lalamunan ko dahil sa kaba.

“Salamat...” Sabi ko kay Lucas saka inabot pabalik ang tumbler niya, kinuha niya naman 'yon at tumango na lang.

“Sa'n ba kayo galing?” Baling ko kina Eiya.

“Ayon na nga eh...” Sabi ni Hanna.

“Bakit?”

“Pinaglololoko lang pala kami nung Jharylle na 'yon!” Rekalamo ni Trina.

“Bakit nga?!”

“Ang sabi niya ay pinapatawag kami ni Sir Edward, tapos hindi naman pala.” Si Eiya ang sumagot.

“Halos malibot na namin ang buong university, sabi niya kasi ay nahanpin muna namin si sir.” Mahinahong sagot naman ni Hanna.

“Umabot kami ng soccer field, nadaanan namin ang canteen, huminto kami sa main building, nakita pa namin ang clinic, pero wala, wala kaming mahanap na mukha ni Sir Edward!” Napapasapong noo pa na sabi ni Eiya.

“Abay ang bwisit na 'yon, nakakita lang ng magandang babae, nakalimutan niya ng kasunod niya kami!” Reklamo ni Trina.

“Oo, tapos nung makita namin si Sir Edward, hindi niya naman daw kami pinapatawag!” Reklamo rin ni Eiya.

“Siraulo talaga sila...” Biglang sabat ni Lucas.

Bakit ba kasi nando'n ka sa taas?” Turo pa ni Hanna sa ring.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin