“Kung makatitig ka kay Lucas parang ayaw mo na siyang maalis sa mga paningin mo ah.” Pang aasar niya.
“Ako? Nakatitig? Kanino? Kay Lucas? Hindi ah, hindeee!” Depensa ko, nakaharang pa ang dalawa kong palad sa kaniya.
“Ang defensive mo naman.” Saka siya tumawa.
“He!” Pagbabawal ko sa kaniya.
Maglalaro kami diba? Eh bakit may parang hagdan do'n malapit sa may ring? Baka inaayos pa.
“Isha...” Tanong ni Eiya na nasa tabi ko na rin, kasama niya si Kenji, Alzhane, Hanna saka si Trina.
“Bakit?” Tanong ko.
Tumingin siya sa gilid ko saka sumama ang tingin dito.
“Inaagaw mo ba ang bestfriend ko?” Nakapamewang na sabi niya kay Vance, nakaduro pa ang isang daliri sa kaniya.
“Bakit ko naman gagawin 'yon?” Sagot naman netong isa.
“Bakit naman hindi?”
“Eh, ano namang gagawin ko d'yan sa bestfriend mo?” Turo niya sa 'kin.
Akala mo naman, napaka ano!
“Kung makadikit ka, akin siya ha! Ako lang ang bestfriend niya!”
“Sayo na, kahit ilagay mo pa sa atay mo!”
Kakasya ako do'n?
“What's going on here?” Singit ni Elijah, masungit na naman.
“Elijah, inaagaw niya si Yakie sa 'kin!” Pagsusumbong ni Eiya na parang nagsusumbong lang sa tatay niya.
“Wala akong pake sayo.” Aniya saka hinila si Vance.
Ang sungit niya naman.
Natatawa naman yung mga kasama namin.
“Ano sumbong pa ah?” Natatawang tanong ko.
“Eh kasi naman...”
“Eh, ano ka ngayon?” Tanong ni Kenji.
“Manahimik ka d'yan ha!”
“Hindi ka pinagtanggol, kawawa, hahaha.” Ani naman ni Trina.
“Gusto mo bang sirain ko yang mga nakasalpak sa tenga mo ha?” Hamon ni Eiya, mukhang naiinis na.
“Ang sungit niya pala...” Mahinang sabi naman ni Hanna.
“Ay, oo, lagi, mukha siyang ampalaya!” Ani naman ni Eiya habang nag mamake face sa nakatalikod na si Elijah.
Natigil ang chismisan na 'min ng lumapit yung trese, ayan na Friday the 13th na, mamalasin ka Heira!
“Kenji, tara laro!” Aya ni Mavi na may hawak pang mga laruan.
Sa'n galing ang mga 'yon?
“Ayoko, gusto ko dito sa tabi ni Yakie.” Sagot naman ni Kenji, humawak pa sa braso ko.
“Sige na, maglaro na kayo do'n, alam kong hindi mo rin naman matitiis hindi maglaro.” Sabi ko kay Kenji, sumimangot naman siya saka siya umupo sa sahig sa paa ko siya kumapit!
“...Ang bigat mo, Ji!” Reklamo ko.
“Dito lang ako Heira!” Pagmamatigas niya.
“Umalis kana d'yan!” Naiinis na sabi ko.
“Ayoko, dito lang ako... gusto ko kasama ikaw!” Naiiyak na sabi niya.
“May pagkain ako!” Sabi naman si Jharylle na katabi ni Mavi.
“Uy, pagkain...” Aniya saka umalis sa pagkakakapit sa paa ko, lumapit siya kay Mavi. “Tara?” Aya niya saka sila pumunta sa kabilang side ng basketball court.
Iiwan pala ako neto basta para sa pagkain.
“Anong kailangan niyo?” Tanong ko sa iba. Pa'no ba naman kasi, nakaharap silang lahat sa 'kin.
“Ah, kayo!” Turo ni Vance sa mga kasama ko. “...pinapatawag tayo ni Sir, kunin daw natin yung mga gamit na kakailanganin natin.” Dagdag niya pa.
Tumango naman sila, teka, 'wag niyo kong iwan dito uy!
“Go!” Sigaw ni Kayden na parang nag uutos.
Go? Bong Go? Golaman? Anong go?
Lumapit sila sa 'kin ng mabagal.
“Hoy, ho-hoy! Anong gagawin niyo sa 'kin?” Tanong ko, tinatakpan ko pang katawan ko gamit ang kamay ko.
Nagulat na lang ako nung bigla akong buhatin ni Maurence na parang sako ng bigas. Nilagay niya ang tyan ko sa may balikat niya.
“Wahhh, ibaba mo 'ko!” Sigaw ko!
“Ibaba mo 'ko dito, Maurence!”
“Sa'n mo ba ko dadalhin ha?” Inis na tanong ko, nahihirapan akong makahinga dahil sa ginagawa niya.
“Waaah, ibaba mo na 'ko sabe!”
“Isa!”
“Teka, hoy! woi! Hala hoy! Anong gagawin niyo?” Kabadong tanong ko nung dahan dahan siyang sumampa may painter's ladder.
Yung ibang mga monggol nasa baba, sinusuportahan yung hagdan, baka bumigay.
Yung makaakyat siya sa tuktok no'n, kapantay na namin ang ring. Hinay hinay niya akong binitawan sa mismong ring... oo, linshak ang putragis sa mismong ring niya ko pinaupo.
Baka bumigay 'to!
“Ibaba niyo ko dito!”
“Ayaw namin!” Sigaw ng kung sino.
“Ang ganda ko d'yan!” Ani naman nung isa.
“Mukha ka palang bola.” Singit nung isa.
Sinong bola? Mataba lang pisngi ko, hindi 'to bola!
Ayokong tumingin sa baba, natatakot ako na baka bumigay ang ring na 'to dahil sa bigat ko.
“You're the QUEEN OF THE BASKETBALL RING!” Malamig na ani ng kung sino. At alam ko kung sino siya.
&.&
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 14
Start from the beginning
