Kayden...

Oo, si Kayden, humarap siya sa may bintana, alam kong nakita niya 'ko kaya kumaripas ako ng takbo.

Naghahabol ako ng hininga nung makabalik ako sa banyo, nag aayos pa rin sila. P.E class ang dadaluhan niyo, hindi pageant.

“Anong nangyare sa'yo?” Tanong ni Alzhane. Umiling lang ako.

“Hi Trina!” Bati ko nung makita ko siyang nakasandal sa may pader. Hindi niya 'ko pinansin.

“Hi Hanna!” Bati ko naman kay Hanna na nanahimik sa may gilid.

Siya Eiya saka si Shikainah lang naman ang nag aayos, pasiklaban sa pagandahan.

“Hello...” Nahihiyang aniya.

“Hanna, dito ka...” Sabi ni Alzhane, sinenyasan niya pa si Hanna. Lumapit naman siya.

“Bakit?”

“Sumama kana sa 'min ah, ang tahimik mo kasi masyado.”

“Nakakahiya...”

“Hoy, hindi ah!” Sabat ko, ngumiti naman siya.

“Trina...” Tawag ko ulit. Lumapit pa 'ko sa kaniya habang kinakaway ang kamay ko sa harap niya, tulala siya.

Nakaearphones pala kaya hindi ako marinig. “Bakit po?” Tanong niya.

“Sama kana sa 'min, hindi magandang loner ka hehe.”

“Nakakahiya naman po...”

“Wala kang dapat ikahiya, wag ka ng mag 'po'”

“Oh, edi hindi, tara?!” Biglang lumakas ang boses niya, hiyaw na hiyaw.

Bahagya pa akong nabigla sa kaniya, akala ko talaga tahimik, may tinatago pala siyang kaingayan.

“Ayos ka lang?” Tanong ko. Kinapa ko pa ang leeg niya, baka nagkasakit kasi siya bigla.

“Oo, naman Yakie! Ako pa?!” Nag swag pa siya. Medyo may tama din pala 'to.

Yakiesha ang pangalan ko, hindi Yakie! Sigaw ko 'yon sa utak ko, ngumiwi naman ako dahil do'n

“Sabi mo eh...” Nilingon ko si Shikainah na salubong na nanaman ang kilay. “Hi Shikainah.” Bati ko sa kaniya.

Tinignan niya lang ako na parang nandidiri, inirapan niya 'ko tsaka pumihit na palabas, binunggo pa 'ko.

“Okay ka lang?” Tanong ni Eiya.

“Oo naman, tara?”

Naglakad kami pabalik ng room, kaso nangatog ang tuhod ko ng maalala yung kanina, bakit ba naman kasi siya
naka— Eeeeiiikkkk!

“You can go to the basketball court, wait for me there, I'll just get something.” Sabi ni Sir Edward, P.E teacher na 'min.

Tumayo kami saka naglakad papuntang basketball court. Umupo ako sa mga benches doon. Nahagip ng mata ko si Lucas, ang gwapo niya hihihi.

Ang ganda ng mata, yung pinkish na cheeks niya, yung mga mapuputi niyang ngipin, yung mabasa - basang buhok niya, yung mga pilik mata niyang mahaba, at yung katawan niyang makisig. Ang gwapo niya...

“Matutunaw 'yan.”

“Ay, pusang gala!”

Nagulat naman ako nung nasa tabi ko na pala si Vance.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora