“Para do'n sa kanina, kagabi pa kasi ako hindi kumakain...” Aniya.
“Ayos lang 'yon, bakit hindi ka kumain? Masama 'yon sa kalusugan.”
Lalo na kung may dragona ka sa tyan!
Gano'n kaya ako kapag hindi nakakakain, nagwawala yung mga alaga ko.
“N-nakalimutan k-ko l-lang...”
“Eh, bakit ka nauutal?” Natatawang tanong ko.
Sabay kaming naglakad papasok, hindi na siya sumagot pa, mukhang nahihiya.
Ang tahimik naman neto!
“Ishaaaa!”
“Eiya...”
“Sa'n kayo galing? Bakit kayo magkasabay? Bakit kayo magkasama?” Sunod - sunod na tanong niya.
“Galing kaming lugawan.”
“Lugawan?”
“Eh, bakit hindi mo kami sinama!” Biglang sabat ni Kenji banana, nanlilit ang mata niya naka cross arm pa.
“Oh, nandito kana pala.”
“Madamot ka, Yakie!” Sigaw niya, napaamang naman ako
“Inaano kita?”
“Hindi mo kami sinama, kumain pa naman kayo!”
“Aba malay ko bang gutom din kayo?”
“Lagi!” Singit ni Alzhane
“Sa susunod na lang hehe.” Sabi ko habang nakapeace sign pang lumalapit sa upuan ko.
Bumigat bigla ang pakiramdam ko, ang sama naman kasi ng tingin netong isa. Ang aga - aga mukhang pinagsukluban ng langit at lupa.
“Good morning.” Bati ko kay Asher na may hawak pang camera, tinitignan yung mga pictures do'n.
“Good morning din.” Sumulyap lang siya saglit sa 'kin.
“Camera man ka?”
“Camera man?” Parang nagtatakang tanong niya.
“Oo, yung mga may hawak na camera, camera man.” Sabi ko, tumawa naman siya.
Tama ako diba?
“Photographer.” Aniya mayamaya
“Ha?”
“Photographer ako.”
“Ah...” Tumango ako, “...ano yon?”
Umiling lang siya. Engot ka Heira, photographer lang hindi mo alam?
Syempre alam ko, ano ba yon? hehe.
Dumating ang teacher namin, P.E class kaya kailangan na 'ming magpalit. Pumunta ako sa pinakamemorable na banyo sa balat ng lupa. Welcome back mga kaipis!
Do'n kami nagpalit. Syempre sa kabila yung mga boys, alangan namang dito rin sila?
Nagpauna na akong bumalik ng roon dahil may kailangan akong kunin sa bag ko. Nag aayos pa kasi sila, ako kasi wala ng dapat ayusin, maganda na 'ko.
Tumakbo ako pabalik pero... bakit nakahubad? May isang taong nasa room, walang damit, pang itaas lang yung wala baka kung anong isipin niyo.
Ang ganda ng tindig niya, maganda ang katawan, may muscles, mukhang naalagaan. Nagtago ako sa may pader, sa bintana lang ako nakasilip. May peklat siya sa likod.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 14
Start from the beginning
