Nasa daan na 'ko, nakabike, nagpepedal malamang. Kaso teka! Si Aiden 'yon ah!
Naglalakad siya na parang zombie, este parang wala siya sa sarili, nakayuko pa. Lasing ba 'to?
Binagalan ko ang pagpapandar para makasabay ako sa kaniya. Nung mapansin niyang nasabay ako sa kaniya ay nilingon niya ko. Mukhang nagulat pa.
Mukha ba 'kong multo?
Luminga pa siya sa paligid. “H-hi.” Nauutal pa.
“Hi, good morning!” Nakangiting bati ko.
“Good morning.” Saka tumingin sa dinadaanan niya.
“Makikisabay lang hehe.”
“Okay.”
Okay? yun na 'yon? Napakadaldal niya grabe!
“Bakit ka naglalakad?” Tanong ko.
“Malapit lang naman.”
“Teka, Aiden!”
“Bakit?”
“Bakit ka namumutla?”
Namumutla siya, nanginginig pa ang kamay, malamlam din ang mata. Parang pagod siya kahit umaga pa lang.
“Ah, wala 'to.”
“Hala, napa'no ka?”
“Wala din.”
“Tara kain tayo...” Nilingon niya ko matapos kong sabihin yon, “...ililibre kita.” Sabi ko.
“Wag na.”
“Dali na!” Hinawakan ko pa ang braso niya.
“Sige, salamat.”
Pumunta kami sa isang lugawan malapit lang sa BAU, first time kong kumain sa mga gan'tong lugar. Tapos may kasama pa 'ko.
“Ako na oorder.” Sabi ko, tumango naman siya.
Umorder ako ng dalawang mangkok ng special lugaw, yung may manok, itlog, chitcharon, tokwa, saka may kung ano ano pa yung toppings niya. Bumili din ako ng bottled water saka pandesal.
Ano ba gutom ako! Hindi kasi ako nakapag almusal.
Kinuha ko yung tray na pinaglagyan nila ng order na 'min tsaka pumunta sa table kung nasa'n si Aiden. Nilapag ko yung mga binili ko tsaka kami kumain.
Ang bilis niyang kumain, mukhang hindi rin nag almusal.
“Hindi ka nag almusal?” Tanong ko habang hinihipan ang sabaw.
“Hindi eh...”
“Bakit?”
“Walang pagkain.”
“Ha? Pa'nong wala?”
“Basta...”
“Sige, eto pa oh.” Alok ko sa mga pandesal, mukhang nahiya pa pero kumuha din.
Nung matapos kami ay sabay kaming pumunta sa university.
“Salamat ah...” Sabi niya nung nasa parking lot na kami, hinintay niya pa talaga ako.
“Para saan?” Tanong ko saka ko kinuha ang bag sa may basket.
Ang totoo ay hindi ko alam kung bakit hinintay pa 'ko ni Aiden hanggang malock ko ang bike ko, pwede naman siyang tumuloy na sa gate ng BAU.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 14
Start from the beginning
