Bitbitin mo nga ma'am, kaso masyadong malaki 'yan, 'di mo kaya.
Lumabas na lang siya, habang ang mga kaibigan niyang loko eh pinagtatawanan siya.
"Mr. Tanaka, answer my question." Sabi niya kay batang singkit.
"Augustus Caesar." Bibong sagot ni Ji, hyper! Busog eh, inubos ba naman yung pagkain na inorder ko para sa 'kin. Inagawan ako huhu!
"He's the nephew and heir of, who? Ms. Velazquez?" Tanong niya kay Eiya na mukhang lutang pa, tulalaley ang ate niyo! "Ms. Velasquez!" Sigaw niya, ayon napatalon ang Eiya.
Iniisip niya nanaman ang trulab niya sa librong binabasa niya.
"Ah, Julius Caesar, ma'am, oo tama Julius Caesar po." Parang nalilito pang sagot niya.
"Augustus Caesar was the wealthiest man to ever live. Nephew and heir of Julius Caesar,q Roman Emperor Augustus had an estimated net worth of $.46 trillion when counting for inflation." Ani ma'am, history!
Nakakaantok.
Wala ako sa hulog ngayon kaya inaantok ako, pinagtitripan ko na lang etong lapis kong may ngatngat na ang pambura. Binalanse ko yon sa may nguso ko, saka ko tinignan, naduling pa 'ko, pero success! misyon akomplis!
"Ms. Sylvia!"
"Ay, ipis!"
"Who are the first people to discover America?"
"The Vikings, ma'am." Inaantok na sagot ko, humikab pa.
Balik upuan, pwede bang makausap ang mga katabi kong 'to?
"Hoy, Vance..." Bulong ko, bawal mahalata. Galawang Heira 101!
"Himala, namansin..." Parinig niya.
"May naiintindihan ka?"
"Lagi naman..."
"Lagi?"
"Laging wala, nakakantok."
Gutom ako, pasimple kong binuksan ang bag ko tsaka ko kinuha ng chocolates ko, nakaamoy naman ang katabi ko.
"You want?" Tanong ko.
"Penge!"
"Hati tayo." Hinati ko tsaka ko binigay sa kaniya yung kalahati.
"Hindi marunong mamigay..." Parinig ni Xavier, mukhang nakaamoy.
"Wala na eh..."
"Yakie, penge!" Pumalad pa si Mavi.
Natampal ko na lang ang sarili kong noo. Umiling pa 'ko, ang lakas pala makatunog ng mga 'to sa pagkain.
"Wala na..." Pinakita ko sa kaniya yung plastic. Lumabi naman siya, namamasa ang mata.
"Hala ka pinaiyak mo, Yakie!" Banta ni Vance.
"Eh?"
"Bahala ka, ang pangit umiyak niyan, mukhang chanak!" Banta rin ni Xavier.
"Inaano kita?"
"Madamot!" Naiiyak na sabi ni Mavi.
"Wala na talaga eh..."
"Walang puso!"
Meron! I have a good good heart!
"'Wag kang maingay, maririnig tayo ni Miss Minchin."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 13
Start from the beginning
