Nakalock yung pinto, ayaw mabuksan kahit nasa loob ka, tapos may nakita pa 'kong mga gumagapang na ipis sa sahig.

Waaaaah!! Kung sino man ang may pakana nito, sumpungin sana tyan mo!!!

“Hoyyyy, buksan niyo 'to!” Sigaw ko sa loob habang kinakalampag ang pintuan.

“...Ano ba, buksan niyo na 'to!” Pagpapatuloy ko.

Ahhhh, yung ipisssss lumipad.” Sigaw ko.

“...May tao ba d'yan, paki buksan na oh!” Pagsusumamo ko.

Lumalapit sa 'kin ang ibang ipis kaya tinatapakan ko pero ang totoo natatakot talaga ako.

“...Tuloooong!” Sigaw ko, naiiyak na 'ko.

“...Pakibuksan na po!!!” Pangangalampag ko sa pinto.

“...May tao po dito!!!”

“...Buksan niyo na 'to, hindi nakakatuwa!!” Umiiyak na sigaw ko.

“...May nakakarinig pa d'yan?” Pangangalampag ko ulit.

Lumipas ang ilang minuto, nakakulong pa rin ako sa C.R, nakatayo lang ako, tumigil na rin ang pag iyak ko, panay tapak ko sa mga ipis na nagkalat sa loob.

Kainis!!!

Putaaang'na buksan niyo 'to!!!

Nakakuyom ang kamay ko, naiinis na talaga ako, wala naman ibang gagawa nito kundi siya, siya lang naman ang kaaway ko.

May nakita akong baso sa may sink, plastic cup. Bakit may plastic cup dito?

Ting💡!!

Yari ka sa 'kin bwisit kang kumag kang uno pero mukhang joker!!!

Waaaaa, ayoko na, 'wag, don't fly cockroach!” Banta kong nang may lumipad na ipis sa kamay ko.

“...Buksan niyo yung pinto, kapag akong nakalabas dito, papakain ko 'tong mga ipis na 'to sa inyo!” Banta ko kahit alam kong wala namang nakakarinig sa 'kin.

Mauupo na sana ako sa sahig dahil sa panlulumo nang biglang bumukas ang pinto, si mamang janitor 'yon. Kinuha ko ang basong may tubig saka dali daling lumabas, pero hindi pa ako nakakalabas ng tuluyan ay may nakabanggaan na 'ko.

“What the hell? Are you blind?” Inis na sigaw niya dahil sa kaniya nabuhos ang tubig na hawak ko kanina.

“Eh, miss hindi ka rin kasi tumitingin sa dinadaanan mo, nakatutok ka sa cellphone mo!” Depensa ko.

“Stupid! So kasalanan ko pa?” Tanong niya.

Tinignan ko ang mukha niya, puno ng kolorete, makapal talaga ang make up, nakaipit ang buhok niya ng buo at may mga clip ang buhok niya ng iba't ibang kulay.

“Pasensya na miss, nagmamadali ako.” Sabi ko dahil late na 'ko sa next subject, hindi ko na alintana ang pagsakit ng balakang ko, pero bigla niya ulit hinablot ang braso ko

“Hey, I'm still talking to you!” Gigil na sigaw niya habang  mahigpit ang hawak niya sa braso ko.

“Nagmamadali ako, miss, mamaya kana dumada ng dumada d'yan.” Sabi ko saka ko hinablot ang braso ko mula sa kamay niya.

“Ha!” Hindi makapaniwalang singhal niya. “Do you know me huh?” Tanong saka niya ko tinarayan.

Tiniganan niya pa ang kabuuan ko, mula ulo hanggang tamlampakan saka ngumiwi na parang nandidiri.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now