“Alzhane Reyes.”

“Hanna Elyze Olivares.”

“Kenji Itzuki Tanaka.”

“Shikainah Gomez.” Sabi niya habang nangtataray.

“Lady Trina Ramirez.”

“Zycheia Velazquez.”

“Heira Yakiesha Sylvia.” Pormal na pakilala ko naman.

“Ah, Heira...” Sabay - sabay na sabi nung labing tatlong malas. Nilingon ko sila, nag iwas naman sila ng tingin, patay malisya.

Anak ng, bakit ako?

“Thank you, this will be your seating arrangement.” Sabay pakita sa isang papel. “Miss Velasquez and Mister Ferrer, and Mister Vergara,  seat here.” Turo niya sa dalawang upuan sa harapan. Sumunod naman sila. “Miss Olivares, Mister Santiago, Mister Ramos, seat here.” Turo niya sa upuan sa harapan, sa kabilang side naman. “Miss Sylvia, Mister Tanaka, and Mister Williams, seat behind them.” Turo niya sa likod ng upuan nina Eiya.

Anak ng, katabi ko 'to? Bakit niyo ko pinaparusahan!!

Umupo kami, kamalas malasang napagitnaan ako ng dalawa. Lumutang na ang utak ko, parang hindi ko na halos marinig ang nga sunod na sinabi ni sir. Nakapasama ng tingin netong isa kong katabi, tapos etong isa parang sira, tuwang tuwa.

“That's it, I hope you are all good in that arrangement.” Do'n lang ako natinag, nakaupo na ang lahat at nakaayos na. “You can have your lunch, late na, hindi papasok ang teacher niyo ngayon, dahil late na at hindi pa kayo nakakapag - lunch, yung last subject niyo ang papasok mamamaya, nice meeting you, good day!” Paalam niya saka lumabas na ng room.

“Why are you here?” Nakataas ang isang kilay na tanong ni Williams, Kayden pala.

“Tanong mo kay dean.” Sarcastic na sagot ko.

“Leave now, go back to your original section!” Inis na utos niya.

“Sabihin mo kay dean na pinapaalis mo 'ko.” Sabi ko habang nakangisi, halata namang naiinis siya.

“You will regret this!” Tiim bagang na sabi niya.

“Woah, natakot ako grabe.” Sarcastic na tugon ko, nang aasar.

“Umalis ka sa 23rd Section!” Utos niya.

“Bakit hindi ikaw ang umalis?” Nakataas na isang kilay sa sabi ko.

“You don't know me!” Galit na sigaw niya.

“You don't know me, too!” Sigaw ko rin sa kaniya.

Ang iba naman ay parang siraulo, nanonood sa 'min na para bang nasa palabas kami. Nakangisi ang iba, ang iba ay tumatawa, ang iba naman ay seryoso. Tumayo na 'ko, hinila ko si Eiya palabas para mag lunch.

Linshak naman, kaklase pala natin ang mga 'yon?” Reklamo ko habang naglalakad.

“Oo nga eh, lalaki pala silang lahat.” Sagot naman ni Eiya.

“Ang yabang niya!” Singhal ko.

“Psh, 'wag mo nang labanan, baka mapaalis tayo ng maaga sa 23rd section.”

“Bakit ba kasi tayo pa yung nilagay do'n!” Naiinis na sabi ko.

“Tanong mo kay dean hahaha.” Biro niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon