“Hindi na po mommy, dito na lang ako hehe.” Sabi ko saka uminom ng softdrink.

“Maiwan na kita.” Saka siya umalis.

Inubos ko ang binigay na pagkain ni mommy, bitin pa nga ako pero wala ng pagkain sa ref. Iniwan ko na lang sa sink ang mga pinagkainan ko, saka ako umakyan papuntang kwarto.

Naligo ako at nagbihis, ginamot ko rin ang sugat ko sa labi. Basa pa ang buhok ko kaya ayaw ko pang humiga. Pumunta ako sa study table ko at nagbasa ng mga lessons bukas.

6:30 P.M ako ng matapos akong magbasa, maaga pa naman at alam kong gising na si Kio sa gan'tong oras.

Kinuha ko ang cellphone ko saka binuksan ang facebook messenger ko para tawagan siya.

Hindi pa natatapos ang isang ring ay sinagot niya na agad ang tawag ko. Kumakain siya sagutin niya ito.

“Goodmorning!” Masayang bungad ko.

“What happened to your face?” Masungit na sabi niya habang kumakain.

“Wala, design lang hehe.” Sabi ko, natawa pa ako sa sinabi ko.

“Nakipag away ka nanaman ba?” Sabi niya saka uminom ng tubig, tapos na pala siyang kumain.

Sumandal siya sa sandalan ng upuan niya saka nag cross arm. Seryoso siya kung makatingin sa camera. Ayan nananaman yung pagiging kuya niya.

Sumimangot ako,“hindi naman ako nakipag away.” Depensa ko.

“Tsk, don't lie to me, I know you very welk Heira Yakiesha Sylvia.” May diin bawat salita niya.

“Wala nga, ang gwapo mo naman, pengeng allowance.” Pang uuto ko sa kaniya, iniba ko na rin ang usapan.

“No, 'wag mong ibahin ang usapan Yakiesha.” Sabi niya, napasimangot naman ako.

Hindi epektib ano ba 'yan.

“Wala naman talaga 'to, aksidente lang talaga.” Paliwanag ko.

“Okay fine, 'wag na 'wag ka na ulit papasok sa gulo Yakiesha.” Parang nagbabantang aniya.

“Oo naman, ako pa.” Nagpogi sign pa 'ko, natawa naman siya.

“Nandito si daddy, gusto mong makausap?” Tanong niya, nagliwanag naman ang mukha ko.

“Sige sige.” Inayos ko pa ang sarili ko. Binigay niya ang camera kay daddy na humihigop pa ng kape. “Hi daddy!” Kumakaway pa 'ko sa kaniya.

“Hi Heira.” Kumaway din siya sa 'kin.

“Lalong gumwapo ang daddy ko ah.” Sabi ko, natawa naman silang pareho.

“Wushu, sipsip ka Yakiesha.” Pang aasar sa 'kin ni Kio.

“Hoy anong sipsip ka d'yan, osige gwapo ka na rin, seloso!” Pagbibiro ko, humalaklak naman sila.

“Mas gwapo ako kay daddy 'no.” Nagpacute pa siya sa camera. Kinotongan naman siya ni daddy.

“Kadiri ang kahanginan mo, twin bro.” Natatawang sabi ko, sinamaan niya naman ako ng tingin. “I miss you dad!” Baling ko kay daddy.

“I miss you too.” Nakangiting ani niya.

“Si mommy hindi mo miss?” Nang aasar na tanong ko, naningkit naman ang mga mata niya sa sobrang sama ng tingin sakin. “Biro lang, hahaha.” Natawa kami parehas ni Kio.

“How's school?” Seryosong tanong niya.

“Ayos lang po.” Natatawa pa ring sagot ko.

“Nice to hear that.” Sabi niya ng tangu-tango pa.

“Oras na pala, male-late na tayo dad.” Singit ni Kio na tinitignan ang orasan.

“Osiya, oo nga, pakamusta mo na lang ako kay mommy ha, I love you 'nak.” Kumaway pa siya.

“I love you both, ingat po.” Paalam ko rin.

“Ingat din kayo d'yan ni mommy, I love you, miss you!” Yon lang saka pinatay na ang tawag.

Napabuntong hininga na lang ako dahil do'n, nakakamiss lang talaga.

Bumaba ako para mag dinner, gaya ng dati ay sabay sabay kaming kumain nina mommy saka Aling Soling.

Tinanong din nila kung napa'no ang mukha ko, ang sabi ko ay wala lang 'yon, wala silang nagawa at kumain na lang.

Nang matapos ay nagkwentuhan lang kami ni mommy tungkol sa pagtawag ko kay Kio saka sa usapan namin ni daddy, alam kong wala si mommy kanina kaya hindi na ako nag abalang ibigay sa kaniya ang tawag.

Umakyat ako ng kwarto, humiga na sa kama saka pumikit, pero may mga tanong pa rin ang nasa utak ko ang tumatakbo...

Nagbago nga ba ako? bakit? paano?

&.&

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now