Umangkas siya sa 'kin, ako naman ay nagdrive papuntang Shake House.

‘Wag ka lang sana nilang balikan...

HEIRA'S POV

Linsha naman oh!!

Ang bigat ng mga kamay nila grabe, ang sakit sa panga no'n ah, kung makasampal wagas akala mo naman wala ng bukas.

Si Savini at Ryu ay dating mga schoolmates ko sa Sta. Luiciana High School, matapang, maagas, malakas, ganyan ang tawag nila sa kanila roon.

Grade 7 ako no'n at grade 9 sila, napag alaman nilang matalino ako kaya lahat ng mga assignment at project nila ay pinapagawa nila sa'kin kahit hindi ko naman alam gawin. Binabantaan nila ako na sasaktan nila ako kung hindi ko gagawin ang mga iyon kaya naging sunod-sunuran ako sa kanila.

Pero nung last quarter of being grade 9 'ko ay may nangyari, hindi ko nga lang matandaan kung ano 'yon, nung mag grade 10 ako ay natuto akong lumaban, hindi ko alam kung paano nangyari at nawala ang takot ko.

Grade 12 na sila no'n at may special project sila, kailangan nilang gawin iyon para pumasa sila, sa 'kin nila iyon pinapagawa kung kailan malapit na ang deadline, tumanggi ako sa kanila, nagalit sila, binugbog nila ako pero lumaban ako sa huli sila ang talo, kung bakit ay hindi ko alam.

Bumagsak sila at ngayon ay yung binabalikan.

Nang makarating sa bahay ay inayos ko muna ang sarili ko, alam kong may sugat ako at sigurado akong namumula ang pisngi ko pero hinayaan ko na lang 'yon.

“Mommy, nandito na po ako!” Sigaw ko nang makapasok ako sa loob ng bahay, umupo ako sa sofa para ipahinga ang katawa ko.

Nakita kong lumabas mula sa kusina si mommy na may dalang dalawang slice ng pizza at saka softdrink, nakasanayan na ni mommy ang ganyan.

Nand'yan kana pal—” Natigilan siya ng makita ang mukha ko, “anong nangyari d'yan sa mukha mo?” Nag aalalang tanong niya.

“Nadapa, una mukha.” Walang ganang sagot ko.

“Nadapa? Pero may bakas ng kamay d'yan sa makinis mong mukha, nadapa?” Sarcastic pero seryosong aniya.

Nilapag niya ang dala niya at saka tumingin sa 'kin.

“Wala po 'to mommy, 'wag na po kayong mag alala.” Pangungumbinsi ko sa kaniya. Tinignan ko siya, masyadong seryoso ngayon si mommy.

“Nakipag away kana nananaman ba?” Inis na tanong niya.

“Hindi po.” Sabi ko saka kumagat sa pizza.

“Eh, ano yan, kolorete na pinagtripan mo ganoon ba?” Sarkastikong sabi niya.

“Hindi po, sila lang naman po ang nanakit, hindi ako.” Malumanay na sagot ko.

“Sila?” Takang tanong niya.

“Opo, dalawa po sila.”

“Eh anong nangyari, bakit ka ginanyan?” Turo niya sa mukha ko.

“Wala po mommy, a-ah ano p-po, may dalawa po kasing bakla nag aaway, tapos napadaan ako sa pagitan nila, nung sasampalin na nung isang bakla yung isa pa, ayun ako ang natamaan.” Pagsisinungaling ko, ayoko ng humaba pang usapan.

“Tsk, ano ba ang nangyayari sa mga tao ngayon oh, osiya ubusin mo muna 'yan, mamimili muna ako ng groceries...” sabi niya saka tumayo, “...gusto mong sumama?” Tanong niya sa 'kin.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now