“Alam mo bang hanggang ngayon ay galit pa 'rin ang pamilya namin sa 'min dahil sa bumagsak kami!” Si Ryu na namumula na ang mukha.
Galit na yata?
“At dahil sa'yo 'yon!” Dinuro pa nung Savini yung si Heya.
“Hindi ko na kasalanan 'yon.” Nakangising ani pa nung babae, nang aasar pa.
What the hell?
“Nagtataka nga ako, kung bakit natuto kang lumaban.” Ryu said while touching his chin as if his thinking.
“Nagbago na 'raw' ako ako eh.” May diin ang 'raw niya saka sila tinalikuran para sumalay ulit sa bike niya.
“Hindi pa tayo tapos mag usap!” Sabi ni Savini saka padarag na hinablot nito ang kwelyo nung Heya kaya naman naalarma ako.
Baka kung anong mangyari do'n sa babae.
Fvck it!
“Bitawan mo 'ko Savini.” Parang nagbabanta ang boses niya.
“At sino ka naman para utusan ako?” Si Savini.
“Ako si Heya.” Sarcastic na sabi ni Heya.
“Ha!” Walang anu-ano ay sinampal ni Savini yung babae.
Hindi agad nakatingin si Heya kay Savini, nanatiling naka side ang mukha niya, paniguradong nasaktan siya dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya.
Unti-unti itong lumingon at kita kong may dugo sa may labi niya, namumula rin ang pisngi niya.
Gusto ko sanang tumulong pero ayoko ng sumali sa gulo nila baka mas lalong lumaki 'yon.
Sumama ang tingin ni Heya sa dalawa, seryoso pero nakangisi.
Damn it! sinampal ka na't lahat lahat nakangisi ka pa rin.
“Sinampal mo na 'ko, baka pwede na 'kong umalis?” Seryosong sabi niya.
Sinabunutan siya ni Ryu, nanggigil pa ito sa kaniya. “Hindi pa tayo tapos, tang'na ka!” Gigil na sabi niya saka niya pabatong binitiwan ang pagkakasabunot nito.
“Magkikita pa tayo, tandaan mo 'yan.” Savini said and he grabbed the face of Heya. Sinakmal niya and magkabilang pingi nung babae na gamit ang isang kamay.
“Okay, see you soon.” Nakangising tungon naman ni Heya.
Ang tapang po brad!
Binitawan niya si Heya at saka sinenyasan ang kasama na umalis na, naglakad sila papalayo habang si Heya naman ay nagpedal papasok sa subdivision, ang isang kamay ay nasa manibela ang isa naman ay hawak ang kamay niya.
Tinignan ko muna ang paligid kung wala na sila. Umalis ako mula sa pagkakatago sa likod ng muna at saka nagdrive na papasok sa subdivision.
Nang marating ko ang bahay nila Xavier ay nakita ko na siyang nakabihis habang nakaupo sa sofa nila halatang naghihintay.
“Ayahaaay, ang tagal mo, nambabae ka pa 'no?” Bungad niya habang nanlalaki pa ang mga mata.
“Stop shouting!” Reklamo ko, ang laks kasi ng boses.
“Oy, hindi ako sumisigaw 'no, sinong sumisigaw ha?” Maang-maangan niyang sagot.
“Nevermind, let's go.” Aya ko, tumango naman siya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 6
Start from the beginning
