Eh kung sikmuraan kita nang maduwal ka!
“Ayan 'te, lesson learned bawasan ang katakawan para iwas sakit sa katawan!” Sabi ni Nathaniel at saka hila nagsitawanang lahat.
Nilingon ko si Eugine na ngayon ay iiling iling habang tumatawa.
“Edi wow!” Singhal ko na lang.
“Bwahahahahaha.” Pagtawa ulit nila, sinamaan ko sila ng tingin.
“Hindi kayo tatahimik?” Nanliit na mata kong sabi ko sa kanila.
“Nung umamin ka sa crush mo nung elementary tayo, hindi ka nahiya?” Dagdag pa ni Eiya, nag iinit na ang ulo ko! “...binigyan mo pa ng bulaklak na kulay yellow, tapos nung hindi niya tinggap, sinabunutan mo!” Ayon humalakhak ulit sila.
“Tama na, tama na!” Si Oliver na hawak pa ang tyan niya.
“Ang sakit na ng tyan ko kakatawa Zycheia!” Sigaw ni Chloe habang hinahabol ang hininga.
“Ang sama pa'la netong magkagusto, nananakit!” Sigaw ni Nathaniel.
Kumunot ang noo ko dahil hindi na sila natapos kakatawa dahil sa ikinuwento ni Eiya na mga katangahan ko, sinamaan ko sila ng tingin, tumigil sila pero hindi ko na sila pinansin, nanahimik na lang ako.
Nakakainis!
Nagpatuloy sila sa pagtatanong, ako naman ay isinusulat na lang ang mga sagot ko, hindi ko na sinabi sa kanila kung ano ang mga iyon. Tinanong 'ko rin sila ng... “ano ang mga kinahihiligan niyong gawin.” Seryosong tanong ko sa kanila, isinulat muna nila sandali ang mga sagot nila at saka nila ako nilingon.
“I like reading.” Si Eugine na nasa malayo ang paningin.
“Same.” Si Eiya na binabasa ang mga sagot.
“Hobby ko ang pagsasayaw mga 'te.” Singit ni Nathaniel na kinekembot pa ang taas na parte ng katawan.
“Trip ko ang kumanta mga bes!” Sabi ni Oliver na kunyaring kumakanta at kunyaring may hawak na mic.
“Bukod sa pagdaldal at pagsigaw wala na!” Malakas na sabi ni Chloe, sinamaan namin siya ng tingin dahil sa pagsigaw niya, nilingon na kami ng ibang estudyante dahil sa kaingayan niya.
“You're so loud, tone down your voice.” Reklamo ni Eugine sa kaniya. Sumimangot naman si Chloe.
Tapos na kami, malapit na rin matapos ang time kaya tumayo na 'ko, tinignan naman ako ng mga kasama ko, nagtataka kung bakit ako tumayo.
“Tapos na tayo, hindi ba?” Tanong ko. “Bumalik na tayo do'n.” Seryosong ani ko.
Nagsipagtanguan naman sila atsaka tumayo, naglakad na kami pabalik sa room.
“Oy.” Kalabit sa 'kin ni Eiya. Hindi ko siya pinansin.
“Oy Isha.” Kalabit niya ulit, hindi ko siya nilingon.
“Oy bestfriend.” Sinabunutan niya 'ko kaya naman tinignan ko siya ng masama.
“Oh?” Naiinis kunyaring tanong ko.
“Galit ka?” Tanong niya.
“Hindi.” Tipid na sagot ko.
“Sorry na.”
“Okay.”
“Psh, sorry na nga eh.”
“Ang daldal mo kasi.”
“Sorry na hehe, ililibre na lang kita ng miryenda.” Aniya na may malawak na ngiti, nagliwanag naman ang mukha ko.
Pagkain!!
“Okay, sige, bago umuwi ah?” Tanong ko.
“Bati na tayo?”
“Sige.”
“Yiee.”
Bumalik kami sa room, ipinasa na rin namin ang mga sagot namim kay Ma'am Gustavina. Pinaalalahanan niya muna kami para sa mga dapat pag aralan para bukas, saka siya lumabas.
“Tara na?” Aya ko kay Eiya.
“Sa'n?” Maang maangan niyang tanong.
“Libre mo, aba!”
“Ako na lang lagi ang nanlilibre ah?” Reklamo niya.
“Sino ba ang nang asar?” Nakangising tanong ko sa kaniya.
“Psh, tara na nga!” Nagpauna siyang naglakad palabas, sumunod naman ako, may coffee shop sa labas ng university kaya do'n kami nag miryenda.
Nag order siya ng mango flavored cake para sa 'kin at cheesecake naman ang kaniya. Parehong frappouchino ang inumin namin.
Yayamanin!
“'Wag kang magsibangot d'yan, ililibre rin kita hehe.”
“Talaga?”
“Oo, kapag nakuha ko na yung allowance ko.” Sabay kindat sa kaniya.
“We, totoo?” Nagliwanag naman ang mukha niya.
“Joke lang!” Sabay tawa ko. Sumimangot naman ang Eiya.
“Psh.” Singhal niya, saka kami nagpatuloy sa pagkain.
-END OF FLASHBACK-
Nagkwentuhan lang kami saglit at mabilis lang na kumain, naghiwalay na sa parking. Uuwi na kami syempre.
Inunlock ko ang bike ko saka nagpedal na. Medyo maraming sasakyan ngayon, medyo traffic, mahirap sumingit.
Nang makalagpas ako sa mga sasakyan ay lumuwag na ang daan, liliko ako sa subdivision namin pero bago ko pa ako makaliko ay may humarang na sa 'kin, wala akong choice kung hindi huminto.
Nang mapagtanto ko kung sino ang mga 'yon ay sumeryoso ako ng mukha. Ngumisi naman siya saka humithit bago itapon ang sigarilyong hawak niya.
“Long time, no see Heya...”
&.&
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 5
Start from the beginning
