“Ay, same us 'te, nakakaimbyerna ang mga chismosa na 'yan tapos gusto ng mga magulang natin yung mga panglalaking trabaho, pang maton, tapos kakalat 'yon aba'y inamez nakakahiya, tanggap din naman ako ni papa, scholar din ako ng taon!” Si Nathaniel na tuwang tuwa pa.
“Ako naman siguro nung lasing ako, tapos ang sabi ng mga kasama ko, nag uumiyak daw ako sa harap ng maraming tao, binabalik daw yung ex ko, nung natauhan ako ayon, helllooo nakakahiya kaya yon!” Si Chloe na animong nandidiri pa sa mga sinabi niya.
“Nung bumagsak ako, hindi naman yung bagsak na nadrop, second quarter na noon kaso may nangyaring hindi maganda kaya naapektuhan ang pag - aaral ko, galit na galit si daddy noon pati si lolo, dismayado sila sa 'kin kahit pa hindi pa naman yo'n ang final grades, nakakahiya yon para sa 'kin.” Pilit siyang ngumiti sa 'min,, seryoso ang mukha niya pero may lungkot ang mga mata niya.
Kami naman ay nakatutok ang atensiyon sa kaniya, nakakalungkot mapakinggan ang nangyari sa kaniya pero wala naman kaming magagawa para do'n.
“Yung sakin...” Napatingin naman kami kay Eiya ng magsalita siya. “Nung nagpupumilit akong pumunta sa malalim na parte ng swimming pool, nagkayayaaan kasi kami no'n ng mga pinsan ko, akala ko kaya ko yung lalim nung pinagpipilitan kong suungin, pinigilan nila ako pero tumakbo ako tapos tumalon, tapos ayon muntik na akong malunod, nakalimutan kong hindi nga pala ako marunong lumangoy...” naghalakhakan na kami, “...sinagip ako nung pinsan ko tapos ayon sobrang sakit ng lalaamunan ko dahil sa dami ng nainom na tubig sa pool, umiyak pa 'ko no'n tapos yung mga mababait kong pinsan eh tinawanan lang ako, ayon nakakahiya.” Tuloy tuloy pa na dagdag niya.
“Pero nung nagpumilit ka, hindi ka nahiya 'no 'te?” Natatawang sabi ni Oliver, sinimangutan niya lang ito.
“Oh ikaw Isha, spill the tea, kwento mo na!” Baling naman ni Eiya sa 'kin, nag isip pa muna ako.
“Siguro yung nung isang linggo, sa mall kasama kong naggala ni Zycheia, nung palabas na kami ng mall, may nakabungguan akong napakalaking lalaki, ayon natumba ako sa sahig, ang sakit sa pwet no'n 'no, yung ibang taong nasa mall tinawanan pa 'ko, nakakahiya tapos yung huklubang lalaki na 'yon iniwan lang ako ng gano'n ang sabi niya 'Pasensya na, nagmamadali talaga ako ngayon, sorry.'” Pang gagaya 'ko do'n sa sinabi ng nakabungguan ko.
“B-bwahahahahahaha.” Naghahalakhakang tawa pa nila.
“Dapat sinapak mo!” Pang uudyok pa ni Eiya.
“Eh, ikaw din naman, tinignan mo lang ako tapos tatawa tawa ka pa, ikaw kaya ang sapakin ko d'yan?” Inambahan ko si Eiya, tumawa naman sila.
“May mas nakakahiya pa kaya do'n, yung birthday ko...” Tumitig siya sa 'kin. Alam ko na yata ang susunod na sasabihin netong babaeng 'to, bumaling siya sa mga kasama namin bago magsalita.
Nagpipigil pa ng tawa ang linshak!!
“Akala nila tito buntis siya, naduduwal ba naman tapos nahihilo, nagsusuka pa siya no'n tapos kaya pala gano'n kasi na foodpoison siya, katakawan pinairal, ang daming pagkain na nakahanda no'n tapos mas piniling mangalkal sa ref namin kaya ayon nakain yung panis na pasta!” Nilingon niya muna ako saka tumawa ng pagkalakas lakas.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 5
Start from the beginning
