“Ako na ang next.” Malawak na ngiting sabi ni Chloe. Tumango naman kami. “May jowa kayo?” tanong niya, tinignan lang namin siya. “I mean boyfriend, girlfriend gano'n?”
“Ah...” Tumango pa kaming lahat atsaka nagsulat na ng sagot.
“Meron...” Ani Eugine.
“Ay ang taray ni Mister Quiet, may jowabels, dinaig tayo!” Pang aasar ni Nathaniel.
“Tsk.” Singhal na lang ni Eugine at saka nagsulat ulit.
“Wala!” Ani ko. Tinignan naman nila akong lahat.
“Oo, wala 'yang bebeloves, ang sungit kasi sa iba, tapos hindi marunong mag ayos akala mo naman kagandahan!” Ani Eiya, sinamaan ko naman siya ng tingin.
“Eh ano ngayon? kaya kong mabuhay kahit walang boypren!” Naiinis na sabi ko sakaniya.
“Sauceee ginoo!” Si Oliver, tinatawanan naman nila iyon, pati si Eugine nakitawa na rin.
Mga linshak kayo!!! grrr!!!
“Ay 'te, subukan mong magsuklay baka sakaling makakita ka ng bumbay na magpapasaya sa iyong buhay!” Banat naman ni Oliver habang nakataas pa ang isang kamay.
Darna!
“Oo nga naman Heira, maganda ka naman, try mong mag ayos ng sarili kahit konti hehe.” Singit ni Chloe, sinamaan ko naman siya ng tingin kaya naman tumahimik na siya pero nagpipigil naman ng tawa.
“Alam niyo bang minsan shunga rin yang si Isha?” Baling ni Eiya sa 'kin. “Lampa rin minsan.” Natawa naman sila. “Kaya siguro ayaw mainlove baka kasi tanga rin sa pag - ibig!” Dagdag niya kaya naman humalakhak ang mga kasama namin.
“Wala ka rin naman!” Pambabara ko kay Eiya, pero tinawanan lang niya ako.
“Atleast maganda ako!”
“Walang nagtatanong!” Inis na sabi ko.
“Psh!” singhal niya.
“Wala rin akong jowabels!” si Oliver.
“Ako rin!” si Nathaniel, nagkatinginan naman silang dalawa.
“No, no, hindi kita matatanggap!!” O.A na sabi ni Oliver habang nakaturo pa kay Nathaniel.
“Ewwness ka!” Sagot naman nung isa kaya naman naghalakhakan kami.
“I'll ask you my question.” Mahinang sabi ni Eugine.
“Sureeee!” Si Nathaniel.
“What was the most embarrassing moment that happened in your life?” Tanong niya, natigilan naman kami at nag isip pa muna ng masasagot.
Natahimik muna kami dahil pare- pareho kaming nagsusulat ng mga sagot namin sa mga papel na dala namin.
“Hmm, yung sa'kin siguro, nung pinagkalat ni Aling Trabelita na bakla ako sa buong barangay namin, kashabwat niya yung mga intreeemitidang mga kapit bahay namin, kaya ayon, minsan nahihiya ako dahil pangarap pa naman ni tatay na maging sundalo ako tapos gano'n ang nangyari, pero hindi siya nagalit kasi tanggap niya 'ko, oo hindi kami gano'n kayaman, scholar ako kaya nakapasok ako dito, 'wag kayong ako d'yan!” Nakangiting mahabang paliwanag ni Oliver.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 5
Start from the beginning
