Malawak, mainit, berdeng berde ang mga malilit na damo, wala pang naglalaro, malinis.
“Uy mga 'te ako na ang unang magtatanong!” Biglang sabi ni Nathaniel habang nakapamewang pa siya na nakabaliktad ang palad.
Confirmed!
“Atat lang bakla?” Singhal naman ni Oliver sakaniya.
Isa pa, confirmed!
Kami namang apat nila Zycheia, Chloe saka si Eugine ay pinapanood lang ang bangayan nila.
“Para nga kaagad matapos, shunga!” Sabi ni Nathaniel.
“Gaga, mahaba pa ang time natin kay Ma'am Gustavina!” Sagot naman nung isa.
“Pagod na akez!” Singhal nung isa habang pinipintik ang kamay.
“Anak ka naman ng nanay mo oh, wala ka pa mang ginagawa, pagod na ang katawang lupa mo!?” Reklamo ng isa.
“Opkors, ayoko ng stress, ang dami kaya nating ginawa!” Sagot nung isa.
“Gaga ka, umpisa pa lang ng klase, 'wag kang O.A!” Tumatabinging ulo na ani pa ni Oliver.
*Ehem*
Kunyaring ubo ni Eugine, natigilan naman yung dalawa saka kami tinignan, kunot ang noo ni Eugine na para bang naiinip na, kami namang mga dalagita ay nagpipigil ng tawa dahil sa kanila.
“Ay 'te ang daldal mo kasi.” Bulong ni Nathaniel kay Oliver.
“Ikaw kaya.” Bulong din nung isa.
“Ikaw!”
“Ikaw kaya!”
“Ikaw nga kasi!”
Ayan na ang sagupaang may pilintik.
“Hindi pa ba kayo tapos?” mahinang sabi ni Eugine .
“A-ah hehe, p-pwede na ba tayong mag umpisa?” Singit ni Eiya sakanila.
“Ah, o-oo, oo, tara na bakla!” si Oliver.
“Do'n tayo.” Aya ko sakanila sa may punong parte ng field, may silong roon at hindi gaanong mainit.
“Let's go!” Sigaw naman ni Chloe na siyang ikabigla namin.
“Ang ingay mo naman!” Reklamo ni Nathaniel.
“Che! tara na hehe.” Si Chloe.
Naglakad kami roon sa tinuro ko saka kami umupo, indian seat ang ginawa namin dahil nakapalda kami.
“So...” panimula ni Nataniel, “...pwedeng ako na ang unang magtatanong?” tumango naman kami sakaniya, “Ilang taon na kayo?” tanong niya saka kami nagsulat sa mga papel namin. “Baka pwede niyo namang i share ang mga sagot niyo 'no?” Sarkastikong aniya kaya naman natawa kami.
“I'm 17 years old.” Sagot ko.
“17.” Tipid na sabi ni Eugine.
“16 pa lang ako!” Sigaw ni Chloe, tinakpan ko naman ang tenga ko dahil sa malakas na boses niya, katabi ko pa naman siya.
Napapagitnaan nila akong dalawa, si Eiya sa kaliwa, si Chloe sa kanan.
“17 na 'ko.” Ani Zycheia saka nagsulat.
“18 na 'ko, ano ba 'yan.” Kamot ulong ani Oliver.
“17 pa lang ako bakla! gurang kana!” Pang aasar naman ni Nathaniel sa kaniya kaya naman nagtawanan kami.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 5
Start from the beginning
